Chapter Eight

140 2 0
                                        

DAY 3: 3AM

Kararating ko lang ngayon sa unit ni Aelius.

Yup, nilakad ko lang. E wala naman akong pang taxi e. Saka okay lang naman kase di naman ako pagod.

Hihintayin ko na lang ulit na buksan nya ang pinto at kahit pumayag sya o ipagtabuyan nya nanaman ako, papasok ako. At titira ako rito kasama nya sa loob ng 37 days.

Nakapag desisyon na ako e. Habang may mga araw pa ako dito para gawin ang misyon ko, gagawin ko to para sa sarili ko. Para makatawid na ako sa langit. Yun naman ang dahilan kung bakit ako andito ngayon e.

Kaya Art Aelius Antonio Ynocencio, manigas ka. Dahil hindi ako susuko basta basta.

Naupo ako sa tapat ng pinto ng unit nya at tinitigan ang orasan.

Napatingin ako sa sapatos ko na bigay ni.. oo nga pala may assignment nga pala ako.
Wala parin akong naiisip na pangalan sa kanya.

Hmm.. asan kaya sya ngayon? Nakikita nya kaya ako? Alam nya kaya ang mga nangyayare sakin?

Napatingin naman ako sa paligid ko. Baka kase may hidden camera dito at nakikita nya ako ngayon. 3rd day pa lang ngayon, may dalawang araw pa bago ko sya makausap ulit. Mag iipon na ako ng mga tanong.

Teka, pangatlong araw na ngayon diba? At ganito parin ang suot ko?

OMG! Magtatatlong araw na pala akong hindi naliligo at nagpapalit ng damit!

Yuck Angel! Kadiri ka. Where's your proper hygiene?!

Kase naman e. Wala nga akong ibang damit. Paano naman ako magpapalit?

At paano naman ako makakaligo kung panay taboy sakin ng lalaking yon?

Inamoy ko ang sarili ko at ang buhok ko.

Naubo pa ako dahil sa amoy.

Naghalong pawis at usok.
Kadiriiiiiii!!

Napatayo ako bigla at nagdoorbell sa pinto ng unit ni Aelius.

Wala akong pake kung maiistorbo ko sya sa kung anumang ginagawa nya ngayon.

Basta kailangan ko nang maligo at mag freshen up!

Pinindot ko nang pinindot ang doorbell hanggang sa..


Aelius: WHAT?!

Nahalata ko agad sa muka nya ang galit at inis.

Pero hindi ko rin napigilang mapatingin sa ayos nya.

Nakatopless sya at nakaboxers lang. Hindi nakatali ang may kahabaan nyang buhok tulad ng dati kaya medjo natatabunan non ang muka nya pero tingin ko lalo lang syang naging attractive dahil don. Napalunok muna ako bago binalik ang tingin sa muka nya.

Whoooo! Parang uminit ata bigla? Bat ganon?

Ako: H-hi.

Bati ko sakanya habang pilit pinapakalma ang sarili.

Pero parang di nya naman napansin na medjo nailang ako sa ayos nya dahil siguro sa inis nya.

Aelius: Ikaw nanaman?! Hindi ba sabi ko--

Ako: Yep. Sabi mo wag na kitang susundan pero hindi ba sabi ko rin sayo na hindi mo ako basta basta mapapaalis? So yes, I'm here again.

Sabay tulak ko sa pinto para makapasok sa unit nya.

Tuloy tuloy akong pumasok at naglakad papunta sa living room nya.

Aelius: Hoy Miss, hindi mo ba naisip na pwede akong tumawag ng security at sabihin nag ttresspass ka sa bahay ko? I can put you in jail if I want to.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon