Chapter Thirty

4 0 0
                                    

Last 8 days...


Naglalakad kami ngayon ni Aelius papasok sa isang restaurant. Medjo nagtataka nga ako kase kanina habang naglalaro kami ni Skye sa living room, nakatanggap sya ng text.

At mula kanina hanggang ngayon, hindi parin sya nagsasalita at balik nanaman sa pagiging seryoso ang muka nya.

Ako: A-aelius, a-anong gagawin natin dito?

Tanong ko sakanya habang naka sunod sa likod nya.

Nakapasok na kami ng restaurant pero hindi parin sya sumasagot, nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa huminto sya sa tapat ng isang table kung saan may nakaupong babae.

Sumilip ako mula sa likod ni Aelius para tingnan kung sino ang babaeng yon.

At ganon na lang ang gulat ko nang makita kung sino yon.



Samantha Ferrer.



Samantha: Hi..

Tumayo sya para bumati at isang alanganing ngiti ang nakita ko mula sakanya.

Nagtama ang mga tingin namin at parang napansin kong medjo nailang sya nang makita nya ako, kaya naman...

Ako: A-ah.. d-dun na lang m-muna ako sa—

Pero bago pa man ako makahakbang palayo sakanila, nahawakan na ni Aelius ang kamay ko.

Aelius: Dito ka lang.

Marahang sabi nya naman bago naupo sa katapat na upuan ni Samantha.

Wala na akong nagawa kundi maupo na rin sa tabi ni Aelius.

Tiningnan ko sila habang nakatingin sa isa't isa.

Sinong mag aakalang mangyayare ang ganto ngayon?

Ang babaeng pinakamamahal ni Aelius ay kaharap nya na ulit ngayon makalipas ang ilang taon habang andito naman ako nakaupo sa tabi nya.

Ewan ko ba. Hindi ako mapakali. Parang mas kinakabahan pa ako kesa sa kanilang dalawa. Parang gusto ko na lang maglaho na parang bula. Ang weird din ng pakiramdam ko, hindi ko maintindihan.

Nagseselos ba ako?

May karapatan ba akong magselos?

Samantha: A-ahm.. salamat nga pala at pumayag kang makipagkita sakin ngayon.

Sa wakas ay may nagsalita na rin.

Nakatingin lang ako kay Samantha na halatang hindi rin mapakali. Hinintay kong sumagot si Aelius pero hindi ito nagsalita.

Samantha: Alam ko, malaki ang kasalanan ko sayo. In fact, I know that everything started with me. Ako talaga ang puno't dulo ng lahat. Ako ang may kasalanan sayo, nadamay lang ang mga kaibigan mo.

But I want you to know that, the time that we've spent together, you made me the happiest and I did love you. Kaya sana wag mong isipin na hindi kita minahal coz for once in my life, I never loved anyone as much as I loved you. You were everything to me back then.

Pero isang araw, when I was looking at you, hindi ko alam kung bakit hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na dapat nararamdaman ko noon para sayo. And I hated myself for that. I hated myself for not knowing why. I kept asking myself, what's wrong?

I knew that I loved you and that I'm so lucky to have you in my life. Why? Coz I know that you're the kind of man, every woman would ask for. You were to good to be true for me. More like a dream come true.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon