Chapter Six

4 1 0
                                    

Past 12am na ng gabi, himbing na himbing na ang tulog ni Aelius at humihilik pa.
Habang ako, ni hindi pa dinadalaw ng antok.

Nakakapagtaka.

Hanggang ngayon mataas parin ang energy ko.
As in hindi talaga ako makaramdam ng pagod.

So ano nang gagawin ko ngayon?

Hmm.. Kamusta kaya to pag gising neto?

Nako, bat may pakiramdam ako na mapapalayas ata ako?

Paano ko ipapaliwanag sakanya kung bakit ako nandito at kung anong ginagawa ko rito?

Anong idadahilan ko? Sasabihin ko ba ang totoo? Maniniwala kaya sya?

Tumayo ako at naglakad lakad habang nag iisip isip.

22 years old pa lang sya. Magkaedad lang kami. Kakayanin ko kaya syang papaniwalain?

Hays. Mukang kailangan kong mag isip ng kapani paniwalang kwento.

Tama. Kaya kailangan ko nang mag isip ng idadahilan ko mamaya.

But first, kailangan ko ng kape. Mas nakakapag isip ako nang maayos kapag nag kakape e.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng kape.

Tumingin tingin ako at aba may coffee maker sya. Iba nga talaga. Kompleto ang gamit nya sa kusina.

Nagluluto kaya sya? Ano pa kaya ang mga hilig nyang gawin?

Kailangan kong malaman lahat ng tungkol sakanya para maisagawa ko nang maayos ang misyon ko.

Habang hinihintay kong uminit yung coffee, napatingin ako sa kabuuan ng unit nya.
May isang pinto na medjo malaki at tingin ko, kwarto nya yon. Tapos may isang maliit na pinto malapit dito sa kusina. Banyo siguro.

Hmm.. Tamang tama lang tong unit nya para sa isa hanggang dalawang tao.
Plus may mini terrace pa na may magandang view. Ang sarap naman tumira dito.

Maya maya lang tumunog na yung coffee maker at ready na yung coffee ko.
Nilagay ko yun sa isang mug at muling bumalik sa living roon kung saan natutulog si Aelius.

Haaay, buti naman at nahanap agad kita. Kinabahan ako dun kanina ah. Pano kung di kita nahanap agad? Edi katulad na rin kita ngayon? Paano na ako? Paano ka na?

Titigan ko pa lang ang muka mo, ramdam ko na agad ang bigat ng pakiramdam mo.
Pansin ko na agad ang lungkot sa mukha mo. Siguro kase, hindi nalalayo sa nararamdaman ko ang nararamdaman mo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano kita tutulungan e. Kase nga, mismong sarili ko nga hindi ko nagawang iligtas e.

Pero pangako, susubukan ko. Gagawin ko lahat para makatawid na ako at makapiling na si God. Sana lang fast learner ka para walang maging problema. Wag mo naman ako masyadong pahirapan oh. Pareho lang naman tayo ng gusto e. Ang maging masaya.

*Sigh*

Isang araw na ang lumipas. 39 days na lang.
Mamaya lang sisimulan ko na agad to.

Tik.. tak.. tik.. tak..

Hindi na nga ako nakatulog dahil ayoko magsayang ng oras.

Gusto kong kapag nagising sya, gising ako.

7am.

Mahimbing parin ang tulog.

8am.

Parang wala pang planong gumising.

9am.

Gisingin ko na kaya to? Aba mauubos oras ko sa kakatulog nya!

Hindi pwede to!

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon