Pagkauwi ko sa unit ni Aelius napahiga agad ako sa couch.
Di ko mapigilang isipin ang mga nangyare ngayong araw. Pero ang nakangiting muka ni Aelius ang nanatili sa isip ko.
Kinakabahan na natutuwa na naeexcite ako habang iniisip sya.
Alam ko rin na ilang beses na rin ako pinaalalahanan ni Hero. Hindi nya man sinasabi nang diretso pero alam ko tungkol yon dito.
Sa posibilidad na may maramdaman ako para kay Aelius.
Ang totoo medjo nagiguilty rin ako kase kahit alam kong may kakaiba na sa nararamdaman ko, hindi ko parin pinipigilan.
Mas hinahayaan ko pa nga ang sarili ko na maramdaman yon kahit na alam kong mali. Pero wala e. Masaya ako dahil don.
At sigurado akong hindi ko pa ito nararamdaman kahit na noong nabubuhay pa ako.
Nasa malalim akong pag iisip nang biglang nag ring ang phone ni Aelius.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
'Enzo Gabriel'
Teka, si Enzo to ah? Bakit nya tinatawagan si Aelius? Diba magkasama sila ngayon sa bar?
At saka ko lang naalala ang sinabi ni Aelius kanina na tatawag nga pala sya para alamin kung nakauwi na ako.
Kinuha ko naman ang phone at sinagot yon.
Ako: H-hello?
Aelius: Ako to. Nakauwi ka na ba?
Tama nga ako.
Ako: A-ah, o-oo. Nandito na ako sa bahay.
Aelius: Mabuti naman. Sige magpahinga ka na.Wag mo na lang ako hintayin ah? Baka late na ako makauwi.
Ako: S-sige. Ingat ka.
Aelius: Sige.
At natapos na ang call.
Matapos ang usapang yon, nag ayos na ako para matulog.
Ayoko munang mag isip ng kung anu ano ngayon.
Ayoko ring abutan pa akong gising ni Aelius kaya matutulog na ako.
---------------------
Inagahan kong magising nang sumunod na araw.
Nagdecide kase ako na bisitahin si Tita Hilda ngayon.
At sinadya ko talagang agahan yung tipong tulog pa si Aelius. Pero dahil nga nagpromise akong hindi na ako aalis nang walang paalam, sumulat din ako ng note at dinidikit ko na ito ngayon sa ref nang biglang...
"San ka pupunta? Ang aga pa para lumabas."
Gulat na napalingon ako sa nagsalita mula sa likod ko at nakita si Aelius na nakatayo habang nakacross arms.
Ako: Ah.. eh.. m-may pupuntahan lang.
Aelius: Saan? Kailangan ganito kaaga?
Ako: S-sa kaibigan ko. Medjo di ko na kase sya nabibisita e.
Aelius: May kaibigan ka pa rito maliban sakin?
Tanong nya naman habang unti unting naglalakad palapit sakin.
Ako: A-aba syempre naman no! Friendly kaya ako. Saka b-bakit ba? A-at bat ang aga mong magising ngayon? L-late ka na nakauwi kagabi ah?
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
