Chapter Thirty Three

2 0 0
                                    

Habang naglalakad ako, paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Hero. Tama sya, kung itutuloy ko nga ang gusto kong gawin habang nandito pa ako, pagiging makasarili nga yon.

Hindi ko naisip kung anong magiging epekto non kay Aelius. Mas masasaktan ko nga sya kapag dumating na ang araw na kailangan ko nang umalis.

Tapos paano na sya kapag umalis na ako?

Hindi nya na ulit ako makikita. Hindi nya na ulit ako makakasama. Paano kapag hinanap nya ako? Aalis ba akong ganon na lang? Aalis na lang ba ako nang walang paalam?

Ano na ba talaga ang dapat kong gawin?

Napahinto ako sa paglalakad at sakto namang nagring ang phone na nasa bulsa ko.

Si Aelius.

Napatitig muna ako sa screen ng phone ko bago nag aalangang sinagot yun.

Ako: H-hello?

Aelius: Hoy bat umalis ka nang walang paalam ha? Diba sabi ko bawal yon? Kanina pa kita hinahanap. Nasaang lupalop ka nanaman ba ng mundo ngayon ha?

Hindi ako nakasagot.

Napapikit ako nang mariin para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Ganto ba ang mangyayari sakanya kapag umalis na ako?

Isipin ko palang sya habang hinahanap ako kung saan saan, nasasaktan na ako e.

Aelius: Hoy bat ba di ka nagsasalita? Nasan ka ba?

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.

Ako: Ah, w-wala. N-naglalakad lakad lang.

Aelius: Nang hindi ako kasama? Nasan ka nga? Pupuntahan kita.

Ako: H-ha? W-wag na—

Aelius: Di bale na. Nakita na kita.

*toot*

Naputol na ang linya kaya napatingin ako sa paligid ko at pag lingon ko sa kanan ko, nakita ko syang naglalakad sa di kalayuan, palapit sakin.

Muli kong nakita ang ngiti nyang ngayon ay umaabot na sa mga mata nya. Yung ngiti nyang tila ba may dalang liwanag. Wala na akong ibang makita sa paligid ko kundi sya lang.

Gustong gusto kong tumakbo papunta sakanya at yakapin sya nang napakahigpit at manatili lang sa tabi nya. Pero wala akong lakas para gawin yon. Isipin ko lang na ilang araw ko na lang sya makikita at makakasama,pakiramdam ko nanghihina na ako.

Bakit ba kase ngayon ka lang dumating sa buhay ko Aelius? Bakit ngayon pa kung kelan hindi na pwede at huli na ang lahat?

Bakit kailangang sa ganitong paraan pa kita makilala?

Saka ko lang namalayan na nakalapit na pala sya sakin at nasa harapan ko na sya ngayon. Nakangiti parin.

Aelius: Bakit ganyan ang itsura mo? Naninibago ka ba? Hindi ba bagay sakin?

At saka ko lang din napansin na nagpagupit na pala sya. Wala na yung dating abot balikat nyang buhok na lagi nyang tinatali. Maiksi na at medjo stylish na rin. Halatang nagshave din sya ng balbas at bigote nya. Pati pananamit nya bago na rin. Dati simpleng tshirt at jeans lang. Ngayon nakapolo sya at nakatucked in pa. Ibang iba na ang itsura nya mula nung una ko syang nakita. Pero sya parin yung Aelius na nakilala ko. Mas masaya nga lang sya tingnan ngayon.

Ako: Pogi natin ah? Anong meron?

Sabi ko naman saka ngumiti sakanya. Pilit ko na lang na tinago ang nararamdaman ko.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon