40th Day...
Kinaumagahan, mga marahang halik sa pisngi, noo at ilong ko ang gumising sakin. Akala ko si Skye nanaman pero pagmulat ko ng mga mata, nakangiting mukha ni Aelius ang agad na nakita ko kaya naman automatic na napangiti agad ako.
Aelius: Good morning Love.
Ugh.. my heart. <3
Pasagot pa lang sana ako pero agad akong napatigil nang bigla nya kong kiniss sa lips.
It was a quick kiss but it was more than enough to complete my day.
Haaaaay.. ang sarap nyang mahalin.
Aelius: Get up! Get up! It's a good day to go out. And I made you breakfast na. C'mon get up.
Ako: Oo na sige na. Eto na.
At nagpahila na nga ako sakanya para bumangon. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. At nung makaupo na ako sa upuan, inihanda nya na sa mesa ang almusal.
Aelius: And here you go.
Saka inabot nya sakin ang isang piraso ng sunflower.
Ako: Nakakainis ka naman e. Ang perfect na ng araw na to, Aelius. Sobrang perfect na.
Aelius: Nagsisimula pa lang ang araw natin. Kaya, kumain ka na jan at magsisimba pa tayo.
9AM
Pumasok kami sa simbahan nang magkahawak kamay. Naupo kami sa medjo harapang upuan kung saan malapit sa altar.
Nagsimula ang una at pangalawang pagbasa hanggang sa nasa kalagitnaan na ng misa. Nung lumuhod na ang lahat, hawak nya parin ang kamay ko gamit ang dalawa nyang kamay.
Nakayuko sya. Nagdarasal.
Habang ako naman ay nakaluhod din sa tabi nya, tinititigan ko lang sya. Wala na rin naman akong mahihiling pa dahil tinupad Nya na lahat. Masaya na ako. Masakit at malungkot man pero masaya akong aalis sa mundong ito.
Habang pinagmamasdan ko lang si Aelius na tahimik na nagdarasal, napansin kong unti unting pumatak ang mga luha sa nakapikit nyang mga mata. Agad kong pinunasan yon.
Nagmulat sya ng mga mata at tumingin sakin, basang basa ang mukha at namumugto ang mga mata.
Aelius: Mahal kita..
I heard him whisphered almost breathless.
I smiled at him.
Ako: Mahal din kita..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Matapos naming magsimba, dinala ako ni Aelius sa di ko inaasahang lugar.
Ako: B-bakit tayo—
Aelius: I just thought maybe you wanna see them.
Gusto kong maiyak dahil sa ginawa nyang yon.
Dinala nya lang naman ako sa bahay namin na dati na rin naming pinuntahan noon nung gusto kong makita ang pamilya ko.
Nakakaiyak kase di ko ineexpect na maiiisip nyang dalhin ako rito para makita sila, tho alam naman naming hindi nila ako maaalala. Alam kase nya na kahit makita ko lang silang masaya kahit mula sa malayo, okay na ako.
Ako: Thank you.
He just smiled at me.
At nakita ko nga si Mama na dinidiligan ang mga halaman at maya maya'y nakita naming magkasamang dumating ang dalawa kong Kuya at laking gulat ko na lang nang makita pa ang isang pamilyar na lalaking antagal ko ring hindi nakita.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
