Chapter Seven

149 1 0
                                        

Bandang 12mn natapos na ang battle of the bands. And as expected, panalo sina Aelius.
Ang galing naman kase talaga nila e. At gustong gusto ng mga tao ang music nila.
Kahit nga ako nagustuhan ko e kahit wala akong hilig sa mga ganong klase ng Music.

Ngayon, habang nag sisialisan na ang mga tao, hinahanap ko naman si Aelius.

Kita kong lahat ng mga bandang kasali ay nag aayos na ng kani kanilang mga gamit.

Asan na ba ang lalaking yon?

Tumingin tingin ako sa paligid at ayun! Nakita ko na sya. Nasa tabi ng stage nag aayos ng gitara nya.

Nagsimula na akong maglakad palapit sa kanya nang may humarang saaking dalawang lalaki.

Member ng band na kasali kanina. At kung hindi ako nagkakamali, sila yung unang nagperform at sila ang nakakuha ng 2nd prize.

Ako: A-ah.. h-hello. Congratulations. Ang galing nyo.

Bati ko nang nakangiti sa kanila.

Medjo creepy ang itsura nila kase puno ng tattoo ang mga braso at kung tingnan nila ako parang nagtatayuan ang mga balahibo ko.

Pero hindi talaga ako komportable kaya sinubukan kong lampasan lang sana sila kaso..

Guy #1: Oh san ka pupunta?

Guy#2: Oo nga. Magsicelebrate kami, baka gusto mong sumama?

Napahinto ako kase hinarangan pa nila lalo ang daraanan ko.

Ako: H-hinde. O-okay lang ako. M-may pupuntahan pa k-kase ako e. S-sige.

Tatalikuran ko na sana sila kaso bigla akong hinawakan sa braso nung isa at binuhat ako habang hawak ako sa bewang ng isang kamay at ang isa naman ay nakatakip sa bibig ko.

Pumapalag ako at pinipilit ko kumawala sa pagkakabuhat saken kaso walang nangyayare.
Ang laki ng katawan nya at ang lakas nya. Parang wala lang sakanya yung pagpupumiglas ko.

Narinig ko pang nagtawanan sila habang dinadala ako sa van na nakabukas ang pinto.
Hindi lang sila dalawa ngayon. Medjo dumami na sila.

Guy#2: Sasamahan mo lang naman kami Miss e.

Guy#1: Mag eenjoy ka naman saamin, maniwala ka.

Gusto ko nang maiyak dahil wala akong magawa.

Nung malapit na kami sa van..

"Ano nanaman bang kalokohan to Jayson?"

Gulat kaming lahat sa nagsalita. Kaya naman napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Agad ko namang nakilala kung sino yon kahit medjo madilim kaya napangiti ako.

Jayson: Hay! Bakit ba ang hilig mong makialam Yno-boy? Ano pa bang gusto mo?
Nanalo na kayo. Kaya kung ayaw mong masaktan, umalis ka na.

Dahan dahan pa syang naglakad palapit saamin.

Aelius: E gusto kong masaktan e. Paano ba yan?

Sobrang cool nang pagkakasabi nya non. Na parang sa mga movies na napapanood ko.

Pagkatapos nyang sabihin yon at nang makalapit sya, nagsimula na ang riot. Binitawan naman ako ng may buhat sakin kanina para tumulong sa pambubugbog kay Aelius.

Sinamantala ko naman yun para makalayo sa van at magtago.

Habang nag iisip ako ng paraan para tulungan si Aelius, di ko mapigilang pagmasdan sya habang nakikipag bugbugan. Para syang isang action star na sanay na sanay na sa gantong klaseng pisikalan. Para syang knight in shinning armour.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon