Nakabalik na kami sa unit nya't lahat lahat, wala parin sa sarili nya si Aelius. Kanina pa sya hindi kumikibo at tila sobrang lalim ng iniisip. Hindi ko naman sya masisisi kung ganyan ang inaakto nya ngayon. Pero hindi ko parin mapigilang mag alala.
Kaya naman tumayo na ako at dahan dahang lumapit sakanya na nakatayo sa mini terrace at nakatingin sa malayo.
I took a deep breath bago nagsalita.
Ako: Kung kailangan mo nang makikinig sayo, andito lang ako.
Sabi ko habang nakatayo sa tabi nya at nakatingin din sa kawalan. Dahil gabi na, maliliit na ilaw na lang ang makikita sa paligid kasabay ang marahang paghampas ng malamig na hangin sa mga balat namin.
Ilang sandali ang lumipas na walang umiimik saming dalawa. Hindi ko sigurado kung dahil ba sya ang misyon ko o dahil ganon ko na sya kakilala para maraamdaman din ang bigat ng pakiramdam nya ngayon.
Aelius: Sabi ni Luke, mula raw nang mawala ako 5 years ago, naghire na ng private investigator si Mama para ipahanap ako. Pero dahil na rin sa connection ng pamilya nina Luke, nagawa nilang alamin kung sino ang private investigator na inutusan ni Mama na hanapin ako kaya nagawan nila ng paraan. Binayaran nila ng mas malaki yung taong yun para sabihin kay Mama na wala na nga talaga ako. Kaya sila nagdecide na umalis na ng bansa noon.
Pero after 3 years, kahit ibang pangalan na ang ginagamit ko, kahit lagi kong tinatago ang muka ko sa maraming tao, may nakakilala parin pala sakin. Isa sa mga kakilala ng pamilya namin. Ipinaalam nya agad yun kay Mama. Kaya raw mula non, nahpaimbestiga ulit si Mama. Naghire ulit sya ng private investigator. Ipinahukay nya ang libingan ko at saka na nga nila napatunayang hindi ako ang nakalibing doon.
Nagpatuloy ang pagpapahanap sakin ni Mama at ngayon, umuwi sila dito. Siguradong alam na nila na buhay pa ako ay alam na nila kung nasaan ako. Bukas o makalawa lang, andito na sila ulit. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko. Dapat ba akong matuwa? Dapat ko ba silang harapin? May magbabago pa ba? Magagamot pa ba ang mga sugat na iniwan nila sa pagkatao ko? Bakit pa sila babalik? Kung kailan unti unti ko nang naaayos ang buhay ko, magugulo nanaman ba?
I reached for his hand and looked at him.
Ako: Aelius, hindi ka magiging totoong masaya kung may iiwan kang sugat sa puso mo. Kailangan mong harapin at ayusin lahat lahat ng bagay na maaari pang magpalungkot ulit sayo. Kase kung hahayaan mo na lang na hindi magamot ang sugat na yon, kikirot at kikirot parin yan. Tinatanong mo kung dapat ka bang matuwa dahil nalaman na nila ang tungkol sayo? Sa palagay ko, oo dapat kang matuwa. Dahil hindi ka nila sinukuan. They took every chance that can possibly lead them to you. Hindi ka sinukuan ng Mama mo kahit na hindi naging maayos ang paghihiwalay nyo. There must be a reason why she didn't give up on looking for you. Oo hindi naging maganda ang huli mong alaala kasama sila, pero tingin mo, bakit ka nila pinapahanap?
After 5 years hindi parin sila sumuko sa paghahanap sayo? Hindi mo man lang ba hahahayaang makapagpaliwanag sila sayo?
Ayaw mo bang bigyan ng pagkakataong gumaling yang natitirang sugat sa puso mo?
He looked at me.
Panay tulo ng mga luha sa mga mata nya. I raised my hand para punasan yun.
Ako: Alam ko, gusto mong malaman ang dahilan. Yun ang sinasabi ng puso mo. Pero natatakot ka. Natatakot kang malaman ang dahilan. Natatakot ka na baka hindi mo magustuhan ang malalaman mo. Natatakot kang baka mas masaktan ka lang lalo. Pero isipin mo, ang layo na nang narating mo Aelius. Ngayon ka pa ba magpapatalo sa takot mo?
Nakayuko lang sya habang umiiyak parin. Hawak ng dalawang kamay nya ang kaliwang kamay ko.
Aelius: Sa tingin mo ba...
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
