Sumakay kami ng bus papunta sa sinasabing lugar ni Aelius na gusto nyang puntahan.
Pero dahil nagmamadali na rin kami kanina, sumakay na kami agad sa dumaang bus.
At heto na nga kami ngayon, nakaupo sa pandalawahang upuan sa loob ng bus.
At nung may sumakay na bata kasama ang Tatay nya, wala nang maupuan.
Kaya pinatabi na lang ni Aelius yung bata sa tabi nya at umurong palapit sakin.
Sobrang dikit ng balikat nya sa balikat ko at amoy na amoy ko ang perfume nya.
Gustong gusto ko talaga yung amoy nya dati pa. Feeling ko nga adik na ako sa amoy nya e.
Aelius: Okay ka lang ba jan?
Pabulong na tanong nya naman sakin.
Ngumiti at tumango naman ako bilang sagot.
Oo medjo masikip at mainit pero okay lang. Kasama ko naman sya e.
Tumagal ng halos isang oras yung byahe papunta sa lugar na yon.
Ako: Anong lugar to?
Tanong ko sakanya nang makababa kami ng bus.
Pinagmasdan ko ang lugar kung saan kami bumaba.
Kung hindi ako nagkakamali, isa itong abandonadong lugar.
Aelius: Isang abandonadong theme park.
Napalingon naman ako sa kanya pero bago pa ako makatanong ulit...
Aelius: Tara?
Nakangiting nilahad nya sakin ang kamay nya.
Saglit namang napatingin muna ako sa kamay nyang nasa harap ko bago inabot yun.
His hand was warm and soft. Ang kamay nya yung tipo ng kamay na masarap hawakan kahit gaano pa katagal.
Napapangiti tuloy ako.
Pumasok na nga kami sa entrance nung theme park na yon.
Halatang matagal nang inabandona ang lugar.
Pero sa halip na maging creepy ang lugar, parang naging nostalgic pa ito.
Halos lahat ng superhero figures andun parin. Yung mga ilang rides din andon pa.
Parang walang inalis at walang nawala. Ang galing.
Feeling ko nasa isa kaming historical site ngayon.
Nakakatuwa. Pero bakit kaya gustong pumunta dito ni Aelius?
Sigurado akong may dahilan sya.
Aelius: Alam mo ba kung bakit abandonado na ang lugar na ito ngayon?
Biglang tanong nya naman habang dahan dahan kaming naglalakad lakad at iniikot ang lugar.
Hawak nya parin ang kamay ko. And I don't really mind at all.
Ako: Bakit nga ba?
Tanong ko naman habang nakatingin sakanya.
Aelius: Pinagawa kase ito ng isang mayamang negosyante para sa nag iisa nyang anak na lalaki. Napakahilig kase nung bata sa mga super heroes at kung anu ano pa. Pero nung namatay yung bata dahil sa sakit nito, nawalan na rin ng dahilan ang mga magulang nya para ipagpatuloy pa ang pagmamanage ng lugar na ito.
More than 6 years na itong abandonado at marami na rin ang nagtangkang bilhin tong lugar pero ang alam ko, ayaw parin itong ibenta ng may ari. Ayaw nyang mawala sakanila ang nag iisang alaala nya sa anak nya.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
