Chapter Thirteen

121 1 0
                                        

Dalawang araw ang mabilis na lumipas pagkatapos ng deal namin na yon ni Aelius.

At hindi ko inaasahang magiging ganto ang kalalabasan non.



Pakiramdam ko mas naging magaan ang lahat. Si Aelius nagagawa nya nang magshare sakin ng mga maliliit na bagay tungkol sakanya. Like kung ano yung mga gusto nya at ayaw nya.

Paborito nyang pagkain, kulay, dessert at kung anu ano pa. At ganon din naman ako. Nagshashare din naman ako sakanya ng mga bagay tungkol sakin.



Ewan ko pero pakiramdam ko, unti unti nya nang nagagawang ipakita sakin ang totoong sya.



And that's a good start. Nakikita ko sa kanya na kakayanin nyang malampasan ang lahat ng

pinagdadaanan nya ngayon. Lakas ng loob, tiwala sa sarili at suporta lang talaga ang kailangan nya.

Nakakatuwa nga dahil kahit papano may progress na ang ginagawa kong pagtulong sakanya.



Naeexcite na tuloy akong ibalita to kay Hero!



Ay oo nga pala! Bukas na ulit kami magkikita at masasabi ko na sakanya ang magandang balita.



*ting!*



Pagkarinig ko nun, kumuha ako ng potholder at binuksan ang oven saka nilabas ang binake kong cake.

Pinatong ko yun sa table at hinanda na ang mga gamit para sa frosting.



Yep. I baked a cake.

Why?

Because it's July 1st!
And it's Aelius' 23rd birthday! Yeheeeey!



Gumising talaga ako nang maaga para magbake ng cake nya at para na rin isurprise sya pag gising nya.

Napatingin ako sa orasan. Mag 9am na. Sandali na lang magigising na yon.

Kaya kailangan ko nang bilisan.

Binalot ko sa vanilla frosting ang cake at nilagyan ko ng kung anu anong decorations.

Icing at syempre nilagyan ko ng dedication.







'HAPPIEST 23RD BIRTHDAY AELIUS!'





Napangiti pa ako nang matapos kong isulat yon sa cake nya.





At ilang minuto lang, all set na ang surprise ko sakanya.



Kaya naman, nag ayos na rin ako nang konti at hinintay syang magising at lumabas ng kwarto nya.

Maya maya pa, nakarinig na ako ng footseps sa loob ng room nya, kaya hinawakan ko na ang confetti at niready ang sarili ko para paputukin yon.

At saktong paglabas nya ng pinto ng kwarto nya pinaputok ko yon at sabay sigaw ng..



Ako: HAPPY BIRTHDAAAAAAAY!!!!



Hindi ko rin mapigilang mapangiti nang abot tenga matapos ko syang igreet.



Shock is written all over his face habang nakatayo sa labas ng pinto ng room nya.

Medjo papungas pungas pa sya pero halatang nagulat sya.





Saka naglakad na sya palapit sa dining table.

Hinawi nya ang mga balloons na nakaharang sa dinaraanan nya. Hindi parin sya nagsasalita hanggang sa makarating na nga sya sa harapan ko. Gulat parin.



Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon