Chapter Eleven

6 0 0
                                    

Nagising ako dahil naramdaman kong may humahawak sa kaliwang kamay ko.



Dahan dahan akong  nagmulat ng mga mata at nakita si Aelius na tinitrace yung scars sa wrist ko.



Nakaupo sya sa sahig at nakasandal ang likod sa sofa na kinahihigaan ko. Nakatalikod sya sakin at amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya. Napatingin ako sa orasan.



Lampas hating gabi na pala.



Naramdaman ko ulit yung daliri nya sa peklat ko kaya agad kong nilayo sakanya yun at naupo.

Bahagyang nagulat naman sya dahil don kaya napalingon sya sakin.

Ako: Andito ka na pala.

Aelius: Anong nangyare jan?

Tukoy nya sa peklat ko sabay lagok ng beer sa hawak nyang beer in can.

Napatingin naman ako sa tatlong linya sa wrist ng left hand ko.


Tanda lang naman yon kung gaano kamiserable ang buhay ko at kung gaano ko kagustong tapusin yon.

Ako: A-ah, ito? Wala. Wala to. B-birthmark lang to.

Sagot ko naman nang hindi makatingin sakanya.


Aelius: Sus. Birthmark daw.

Sabay tayo nya medjo naout balance pa nga sya bago nakaupo sa tabi ko.

Aelius: Napakamisteryoso mo namang Anghel.

Sabi nya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.


Ako: L-lasing ka nanaman. Lipat ka na sa kwarto mo para makatulog ka na.

Inalis nya ang tingin sakin saka sumandal sa sofa saka pinikit ang mga mata.

Aelius: Ayoko e. Malungkot dun. Mag isa lang ako.

Sabi nya habang nakapikit parin.

Ako: Bakit ka ba umiinom? Bakit ka nagpapakalasing?

Alam kong lasing na sya kase namumula na ang muka nya pati tenga nya.

Aelius: Para pansamantalang hindi maramdaman ang sakit at ang lungkot.

Nagmulat sya ng mga mata saka pinihit ang ulo para tingnan ako.

Aelius: Kaso ramdam ko parin e. Hindi na ko tinatablan nito. Parang mas lumalala pa kase e.

Marahan pa syang natawa, yung tawang may halong pait bago pumikit ulit.



Katahimikan...





Aelius: Miss na miss ko na sya. Sobra sobra sobra..

Si Samantha nanaman ba ang tinutukoy nya? Sya ba ang dahilan kung bat lagi syang naglalasing?

Aelius: Kaso ayaw nya na talaga e. Ilang beses ko syang tinawagan pero ni isa wala syang sinagot. Siguro nga mas masaya sya ngayon. Ngayong wala na ako sa buhay nya.

He smiled bitterly.

Aelius: Gago ako e. Napakagago ko para umasang mamahalin ng tulad nya ang tulad ko.
Umasa ako kase mahal ko sya. Umasa ako kase kahit papano naramdaman ko rin naman na mahal nya ako.

Nagmulat nanaman sya ng mga mata at naupo nang maayos saka tumingin sakin. Halatang halata sa muka nya ang kalasingan at kitang kita sa mga mata nya ang kalungkutan.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon