I've decided to continue what I started.
Nung una pa lang nangako na ako sa sarili ko na hanggat nandito ako sa mundong to,
gagawin ko ang lahat para magawa ko ang misyon ko at nangako rin akong tutulungan ko si Aelius.
Oo alam kong ayaw nya ng tulungan ko sya, but I can't just leave him alone, lalo na ngayong may mga nalaman akong kailangan nya rin malaman.
14th day ko na ngayon dito.
May 26 days na lang ako. Sana lang magawa ko pang baguhin ang desisyon ni Aelius.
Alam kong kaya ko naman e. At alam ko rin, ramdam kong gusto rin ni Aelius. Natatakot lang sya. At hindi ko naman sya masisisi kung ganon ang nararamdaman nya.
Pero ayoko paring sumuko. Ayoko paring sukuan sya.
Matapos kong magpaalam at magpasalamat kay Tita Hilda, nagsimula na kong maglakad.
Nangako rin ako kay Tita Hilda na, dadalaw dalawin ko parin sya habang andito pa ako.
Natutuwa akong makita si Tita Hilda, kahit papano pakiramdam ko may Nanay parin ako. Tho hindi ko mapigilang maisip si Mama.
Kamusta na kaya sya?
Inaalagaan ba sya nang maayos ng dalawa kong kuya?
Namumulaklak na ba ang mga bulaklak na tinanim nya?
Miss na miss ko na sya. Sana kahit papano, habang andito pa ako, sana mapuntahan ko sya.
Halos dalawang oras din akong naglakad papunta sa condo ni Aelius.
Kaso nang papasok pa lang ako ng building na yon may mga pamilyar na mukhang sumalubong sakin.
Habang hinaharangan nila ang daraanan ko, iniisip ko naman kung saan ko sila nakita.
Tatlong lalaking may mga pamilyar na muka.
"Namiss mo ba kami?"
Nang magsalita ang isa sa kanila, saka ko lang biglang naalala kung sinu sino sila.
Sila yung nakalaban noon nina Aelius sa battle of the bands.
At sila rin yung binugbog ni Aelius noon para iligtas ako.
Pero anong kailangan nila sakin ngayon?
Dahan dahang napaatras ako, pero humahakbang din sila palapit lalo sakin.
Napatingin ako sa paligid, walang ibang tao maliban saamin.
Ako: A-anong kailangan nyo sakin?
"Tulad parin ng dati. Kailangan mo lang sumasa samin."
Sabi nung isa habang marahang hinawakan ako sa kaliwang muka pababa sa may balikat
saka biglang humigpit ang hawak pagdating sa braso ko.
At ganon din ang ginawa ng isa sa mga kasama nya. Maya maya pa dalawang lalaki na ang nakahawak sa magkabilang braso ko.
Sinubukan kong magpumiglas at sisigaw na sana ako nang biglang tinakpan ang bibig at ilong ko ng isang panyo na may nakakahilong amoy.
Unti unting umikot ang paningin ko at maya maya, unti unti na ring dumilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasiaReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
