Chapter Twenty Three

102 0 0
                                        

20th Day


After 8 days, nagkita at nagkausap na ulit kami ni Hero. As usual, kinwento ko sakanya ang mga nangyare nung mga nakaraang araw.

Sinabi ko sakanya na sinabi ko nga kay Aelius ang tungkol sa mga nagawa sakanya ng mga kaibigan nya.

Kinwento ko rin ang tungkol sa pag sunod ni Aelius sa lahat ng sinabi ko sakanya at kung gaano kalaki ang pinagbago ni Aelius mula noon.

Kung dati lagi syang tahimik at walang emosyon ang muka, ngayon naman kahit papano nagagawa nya na rin ngumiti dahil sa maliliit na bagay. Tumatawa na rin sya kapag may nakakatawa.

At ang pinaka nakakagulat sa lahat, napapadalas na rin ang pang aasar nya sakin.

Pero kahit na inaasar nya ako, natutuwa parin akong makita ang pagbabago nyang yon.

Pinili ko rin na wag munang ibring up yung tungkol sa mga bagay na nakakapagpalungkot sa kanya.

Lalo na yung tungkol sa kaibigan nya. Pansin ko rin kase na iniiwasan nyang mapunta doon ang usapan e. Kaya ayun, gusto ko sanang punuin muna ng saya at pag asa ang puso nya nang sa ganon, kakayanin nya nang harapin ang kahit anong kakailanganin nyang harapin sa mga susunod pang araw.


Ako: So now, I can say that so far.. feeling ko unti unti na ring naghiheal ang mga sugat nya.
Feeling ko rin na kapag nagtagal pa e kakayanin nya na. Naniniwala rin ako na darating ang araw na hindi na mawawala yung saya sa puso nya at mananatili na yon doon.


Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang sinasabi yon.

Hero: So, if that's the case then, masasabi mo na rin na malaki ang chance na magawa mo nga ang misyon mo. That's good.


Medjo naging uneasy ako nang marinig yung salitang 'misyon'. Para bang muling bumalik sa isip ko na oo nga pala, may misyon nga pala ako. Parang iba na kase e. Nawala na sa isip ko na misyon ko nga pala to.

Na kaya ako nandito para sa misyon na yon. Para makatuloy na ako sa langit. Para kase sakin, naging natural na ang lahat e. Yung para bang ginagawa ko lahat ng to kase yun ang gusto ko. Hindi dahil yun ang misyon ko. Pero mas pinili kong wag na ipaalam sakanya yon.

Nginitian ko na lang sya.

Hero: Kinakamusta ka nga pala ni Mama Hilda. Tinatanong kung kelan ka raw ba ulit bibisita sakanya. Namimis ka na nya e.

Ako: Awww. Pakisabi kay Tita miss ko na rin sya at wag syang mag alala dahil di naman nawawala sa isip ko na bisitahin sya e.

Napangiti naman ako nang maalala ko si Tita Hilda. Pero kasabay nun, naalala ko yung tanong na gusto kong itanong kay Hero.


Ako: A-ahm.. oo nga pala Hero. T-tungkol kay Tita Hilda... a-alam mo rin ba na--

Hero: Oo. Alam ko.

Nagulat ako nang diretso nyang sagutin yun.

Kahit na ineexpect ko na rin ang sagot nya, nagulat parin ako.

Ako: K-kung g-ganon, b-bakit hindi mo sinabi sa kanya kung sino ang taong tinutulungan ko?

Hero: Kase sa tingin ko, hindi ako ang dapat na magsabi non.

Ako: Alam ko naman na Nanay na ang turing mo sakanya k-kaya maiintindihan ko kung galit ka kay Aelius dahil sa nagawa nya noon.

Hero: Angel, alam ko ang dahilan kung bakit nya nagawa yon. Kahit na alam natin pareho na hindi tama ang dahilan nya, hindi naman natin sya masisisi diba? He also needed someone to be there for him, to guide him.
He also needed to feel loved. Kaya hindi natin sya masisisi kung sa bagay na yon lang sya kumapit at nakakuha ng lakas ng loob para magpatuloy sa buhay. Kaya wala akong makapang dahilan para magalit sakanya.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon