Chapter Twenty Nine

2 0 0
                                    

Pumunta nga kami ni Aelius sa bahay na tinitirahan ko noon kasama si Mama.


At mula sa di kalayuan, pinagmasdan namin si Mama kasama ang dalawa kong Kuya at may dalawa pang babae. Mga girlfriends ata ng dalawa kong Kuya.

Masaya silang nagkikwentuhan. Napangiti naman ako dahil sa nakita kong masaya silang lahat.

Pero kahit papano, hindi ko parin mapigilang malungkot.

Miss na miss ko na sila. Gustong gusto kong tumakbo ngayon palapit sakanila para yakapin sila pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Para saan pa? E hindi naman nila ako kilala. Hindi ako nag eexist sa buhay nila ngayon.

Pero kung ganyan naman sila kasaya kahit wala ako, okay lang. Mapapanatag ang loob kong iwan sila.

At least alam kong masaya sila.

Maya maya naramdaman ko na lang ang kamay ni Aelius na pinupunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko. Kaya napatingin ako sakanya.


Aelius: Are you okay?

Nginitian ko sya saka tumango.

Ako: Thank you. Thank you for letting me see them.

And then he hugged me.

Napapikit ako habang yakap nya ako. Wala syang sinabi. Walang salitang lumabas sa bibig nya. But his hug is enough for me to feel better.





———————————

Habang naglalakad lakad kami ni Aelius matapos naming pumunta sa bahay, nakwento ko sakanya kung anong klaseng buhay meron ako noon.

Pero hindi ko sinabi sakanya ang tungkol sa dark side ng buhay ko. Yung magaganda at masasayang alaala lang ang kinwento ko sakanya.

Aelius: You seem to have a wonderful life.

Ako: I did.



I lied.


Hanggang maaari ayoko sanang ipaalam sakanya ang buong kwento ng buhay ko. Ayoko maalala nya ako bilang isang babaeng nawalan ng pag asa kaya tinapos ang buhay nya. Ayoko.

Gusto kong maalala nga ako bilang isang babae na punong puno ng pag asa at hinding hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok sa buhay nya. Ganon ang gusto kong iwanang alaala sakanya.

Tiningnan ko sya sa tabi ko habang patuloy kami sa paglalakad. Ibang iba na sya mula nung unang araw na nakilala ko sya. Malaki na ang pinagbago nya.

Saka ko inabot ang kamay nya at hinawakan yon.

Napatingin sya sa kamay nya na hawak ko saka lumingon sakin.

He smiled at me.

And that smile made me realized one thing.






I'm in love with him.




———————————

Kinagabihan nung araw na yon, sumama ako sa bar.

Ewan ko, parang ayoko nang mahiwalay kay Aelius kahit sandali lang.

Gusto ko lagi ko syang nakikita, gusto ko lagi ko syang nakakasama. Gusto ko laging nasa tabi nya.

I want to spend my last 10 days just like that.

Enzo: Whoa. Guess who's back at my bar.

Bati sakin ni Enzo nang makaupo ako sa bar counter.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon