Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan nang pagpapanggap.
Akala nila okay na talaga ako, akala nila masaya na ako.
Kase nagagawa ko namang ngumiti at tumawa. Lahat ng nagagawa ko noon, nagagawa ko parin naman.Pero ang hindi nila alam, habang tumatagal, papalapit nang papalapit na ako sa dulo. Malapit na akong sumuko.
Konting konti na lang bibitaw na talaga ako.Ilang gabi na akong nagbbreakdown. Ilang gabi na akong umiiyak para lang makatulog.
Ilang gabi na rin akong sinasabihan ng isip ko na gawin ko na ulit yung matagal ko ng gustong gawin.
Ang tagal ko na ring nilabanan ang lahat ng to.Pero ngayon, ngayong gabi, I'll let them win.
Kase ayoko na rin. Hindi ko na kaya. Siguro hanggang dito na lang talaga yung tatag ko. Hanggang dito na lang yung tapang ko.
Ayoko nang gumising bukas na ganon nanaman ang gagawin ko. Paulit ulit na pagpapanggap na masaya.
Pagod na ako.
Sobrang pagod na ako.Lumabas ako sa unit namin at sumakay ng elevator paakyat sa rooftop.
Maga ang mga mata at walang tigil sa pagtulo ang luhang tumayo ako sa dulo ng rooftop.
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na kayang magpanggap na okay lang ako. Hindi ko na kayang magpanggap na wala akong problema.
Hindi ko na kayang magpanggap na magiging maayos din ang lahat.
Hindi ko na kayang magpanggap na masaya.Ang hirap na. Sobrang hirap na. Ayoko na.
Naubos na ang lakas ko, pagod na pagod na ako.
Ang tagal na panahon ko rin sinubukang maging matapang para harapin araw araw ang buhay na to.
Pinilit kong maging malakas kahit alam kong hinang hina na ako. Pinilit kong maging matatag kahit mahina talaga ako.
Pinilit kong ngumiti kahit gusto kong umiyak nang umiyak dahil sa sobrang lungkot.Bakit ba kase nangyayare sakin lahat ng ito? Ano bang nagawa kong mali?
Hindi naman ako masamang tao pero bakit pakiramdam ko pinarurusahan ako?
Ano ba ang kasalanan ko para maramdaman ko ang lahat ng ito ngayon?Ni hindi ko kayang tumagal mag isa sa kwarto nang hindi nalulungkot o naiiyak.
Sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko na kinakain ang buong pagkatao ko.
Hindi ko rin kayang titigan ang sarili kong repleksyon nang hindi nakikita lahat ng mali sa katawan ko.
Twing mag isa ako, gusto kong sumigaw nang napakalakas para may makarinig sakin at malaman nilang kailangan ko ng tulong.
Pero naisip ko rin, kung may makarinig man sakin, may pakialam ba sila? Tutulungan ba nila ako?
Pakiramdam ko nalulunod ako sa sobrang lalim ng mga iniisip ko at hindi na ako makahinga pero walang nakakapansin sakin.Oo alam ko, nanjan ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko. Lagi nilang sinasabi na nanjan lang sila para sakin.
Na mahalaga ako sa kanila. Pero bakit hindi ko maramdaman?BAKIT WALA AKONG MARAMDAMAN MALIBAN SA LUNGKOT AT SAKIT?!
BAKIT?!Pakiramdam ko mag isa lang ako sa napakalaking mundong ito. Mag isa lang ako at walang kakampi.
Nanjan nga sila sa paligid ko pero bakit hindi nila makita ang lungkot sa mga mata ko?
Bakit hindi nila marinig na sa bawat tawa ko may maliit na boses na nagsasabing "tulungan nyo ako".Bakit hindi nila mapansin na hindi ako masaya? Na hindi na ako ang dating ako na nakilala nila?
Bakit hindi nila makitang unti unti na akong nauubos at kailangan ko ng tulong nila?
Masyado na ba akong magaling magpanggap para hindi nila mapansin ang lahat ng yon na pilit kong tinatago sa bawat ngiti at tawa ko?
O sadyang wala lang silang pakialam sa kung anumang pinagdaraanan at nararamdaman ko?Kailangan ko ng tulong nila pero ayokong magmakaawa sa kanila para don. Ayoko rin na lumapit sa kanila para sabihin lahat ng nararamdaman ko
at tumatakbo sa isip ko dahil ayokong magbago ang tingin nila sakin. At lalong ayokong ang masasayang buhay nila ay biglang maging malungkot nang dahil lang sakin.Kaya kahit hirap na hirap na ako, naghihintay parin ako na kahit isa lang sakanila mapansin na hindi na ako ito. Na may mali na sakin.
Na sa kabila ng lahat lahat ng nangyare sakin, sa kabila ng nakangiti kong mukha, hindi na ako masaya at hindi ko na kayang magpanggap pa.
Pero wala ni isa sa kanila ang nag abalang kamustahin ako. Yun lang naman ang hinihintay ko e. Yung tanungin ako kung kamusta na ako.
Kase hindi na ako magsisinungaling. Hindi na ako magpapanggap. Buong tapang ko nang sasabihin ang totoo.
Pero hanggang ngayon, lahat sila naniniwala parin sa mga ngiti ko.Ganito ba ang masayang sinasabi nila? Nandito ako ngayon sa tuktok ng building na ito at handa nang wakasan lahat.
Handa nang tapusin ang napakalungkot na buhay na ito. Dahil ayoko na, hindi ko na kaya. Ang tagal kong kinimkim lahat ng ito.
Sobra sobra na. Ayoko na. Pagod na ako. Hindi ko na kayang itago pa. Wala na rin namang pag asang maayos pa ito.
Wala ng pag asang maging masaya pa ako habang nandito sa mundong ito.Baka sakaling kapag nawala na ako, mapansin na nilang hindi ako masaya. At malaman nilang ang tagal kong hinintay na tulungan nila ako.
Baka sakaling makita na nila ako. Kung kailan huli na ang lahat.Tumingala ako sa madilim na kalangitan, puno parin ng luha ang muka.
Pakiramdam ko hinang hina na ako. Mismong kaluluwa ko gusto nang iwan ang katawan ko.Sa lahat ng mahal ko sa buhay, maraming salamat. Wag sana kayong malulungkot para sakin dahil ginusto ko ito.
Gusto ko nang tapusin to at maging masaya. Wag nyo rin sana sisihin ang mga sarili nyo.
Wala kayong kasalanan, pagkukulang siguro meron pero hindi ko rin naman kayo masisisi.
Kasalanan ko ang lahat ng ito dahil hindi ko alam kung paano maging masaya sa katawang ito.
Alam kong pagiging makasarili itong gagawin ko pero wag nyo sana akong sisihin.
Wala kayong alam. Ni isa sainyo walang may alam kung gaano na to kahirap para sakin.
Kung gaano na kahirap para sakin ang gumising araw araw para mabuhay.Ang tagal ko na ring binalewala ang sarili ko para sainyo. Para sa mga taong mahal ko na walang ibang ginawa kundi ang hindi sadyang saktan ako.
Kaya sana kahit ngayon lang, hayaan nyo akong isipin naman ang sarili ko. Hayaan nyo akong maging makasarili.
At hayaan nyo akong makauwi na at maging masaya.
Kung dumating man ang araw na gusto nyong malaman kung kamusta ako, tumingin lamang kayo sa taas at hayaan nyong iparamdam ko sainyo na masaya na ako.
Tumingin ako sa baba, maliliit na mga ilaw ang natanaw. Maliliit na ilaw na tila mga bituin sa langit.
Muli dahan dahan akong tumingala kasabay ng pagtulo ng luha sa magkabila kong mga mata.
Diyos ko, Ikaw lang ang nakakaalam ng lahat ng nararamdaman ko.
Alam Nyo kung gaano katagal akong kumapit sa Inyo at umasang magiging okay din ang lahat balang araw.
Pero ngayon, wala na po akong lakas para hintayin pa ang araw na yon.Okay lang po ba kung gustuhin ko na Kayong makasama ngayon?
Okay lang po ba na iwan ko na ang mundong ito?
Okay lang po ba na sa ganitong paraan ko hanapin ang kaligayahang napakatagal ko nang hinahanap?
Patawarin Nyo ho ako. Pero gusto ko na pong umuwi at makapiling Kayo.At hawak ang isang puting papel kung saan nakasulat ang liham ng aking pamamaalam, puting papel na maya maya lamang ay mahahaluan na ng pulang likido.
Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko, saka marahang ngumiti bago hinayaang mahulog ang sarili mula sa napakataas na tuktok ng gusaling iyon na tanging naging saksi sa malungkot na pangyayareng ito.
Habang nararamdaman kong unti unting nahuhulog ang katawan ko, isa lang ang nasa isip ko...
Sa wakas, magiging masaya na rin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/186522453-288-k860530.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasíaReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...