Chapter Five

219 3 0
                                        

Paglabas ko ng building na yon, tama nga sya, nandito na ako ulit sa kinatatayuan ko kanina.

Ang galing!

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayare ngayon. Parang magic lang ang lahat e.

Teka, hindi kaya nananaginip lang ako?

Gigisingin ko na ba ang sarili ko?

Pero paano kung panaginip nga lang lahat ng ito at pag ginising ko ang sarili ko, babalik na ulit ako sa totoong buhay?

NO. AYOKO.

Kung panaginip lang to, mas okay na ko dito. At least hindi ako nakakaramdam ng sakit at lungkot.
Kaya gagawin ko to. Kahit gaano kahirap. Kakayanin ko to.

Nagsimula na akong maglakad lakad para hanapin tong taong nasa picture.

Hmm.. teka. Magtanong kaya ako? Nakikita naman siguro ako ng mga tao diba?
Hindi naman ako multo diba? Sabi nung tagabantay ko, habang nandito ako, isa na ulit akong normal na tao diba?
Hindi naman ako tumatagos sa mga bagay e. Hindi nga ba?

Hmm.. masubukan nga.

Ayun! May poste! Subukan kong tumagos.

Ganon naman sa mga pelikula diba? Baka kaya ko rin yon.

Eto na malapit na ko.. konti na lang.. eto na..eto na... Ahk!

Napahinto ako sa paglalakad dahil ayun nga bumanga ako sa poste. Hindi ako tumagos.
Ibig sabihin hindi nga ako multo at nakikita ako ng mga tao.

At dahil don, dahan dahan akong lumingon sa paligid ko.

At nakita yung dalawang babae na nakatingin sakin at medjo natatawa pa. At isa lang ang ibig sabihin non. Nakita nila yung kagagahan ko.

Nakakahiya :(

Pero hayaan na lang Angel. Wag kang magpapadala sa hiya.

Inayos ko ulit ang sarili ko saka pinagpagan ang damit ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Bawat lalaking nakakasalubong ko, tinitingnan ko talaga ang muka.

Aba anong malay ko baka nakakasalubong ko na pala sya.

Pero halos lumubog na ang araw e hindi ko parin sya makita.

Pero teka sandali, bat ganon? Kanina pa ako naglalakad pero hindi man lang ako nakakaramdam ng pagod? Hindi ko rin maramdaman na masakit ang mga paa ko o kahit anong parte ng katawan ko.

Saglit na huminto muna ako sa paglalakad. Hawak parin ang litrato kaya muli ko itong tinitigan.

Hmm.. matangos ang ilong nya, di ganon kaputi pero di rin ganon kaitim, may kakapalan ang kilay nya, di ganon kasingkit ang mga mata nya pero feeling ko kapag ngumiti sya liliit din tong mga matang to, at base sa leeg nya, masasabi kong matangkad sya. Medjo manipis ang pinkish nya na lips. Yung buhok nya hindi clean cut.
Medjo mahaba na at sa tantya ko mangangalahating taon na sya hindi nagpapagupit. Medjo wavy nang konti at palagay ko kaya na yung itali.

Hmm.. overall, may itsura naman sya kaso halatang malungkot ang mga mata nya.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang kwento ng buhay nya.

Ako: Wag kang mag alala. Kapag nahanap na kita, gagawin ko lahat para tulungan ka.
Tuturuan din kitang ngumiti ulit. Ililigtas kita kung paano ko dapat niligtas ang sarili ko.
Pangako yan.

Then nginitian ko yung picture bago binalik sa bulsa ng damit ko.

Saka ako nagsimula ulit maglakad. Madilim na. At sa tantya ko mag aalas dyes na ng gabi.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon