Gabi na nang makabalik kami sa building ng unit nya.
Haaaaaay, halos pitong oras din akong nagdrive ngayong araw. Nakakapagod din pala.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko nang mapatingin ako kay Aelius na mahimbing na natutulog sa upuan nya.
Malamang napagod din sya.
Tinaas ko na ang kanang kamay ko para sana gisingin sya kaso may kung anong pumigil sakin.
Kaya naman napatitig ako sa natutulog nyang muka.
Ngayon ko lang natitigan nang malapitan ang muka nya kaya ngayon ko lang din napansin na may nunal pala sya sa baba ng kanang mata nya saka sa gilid ng upper lip nya.
At mahaba rin pala ang pilikmata nya. Grabe, mas maganda pa ang muka nya kesa sakin.
Yung mahabang buhok nya na naka manbun lalong nakadagdag sa appeal ng muka nya. Parang ang musculine nya pa nga tingnan dahil sa buhok nya e.
Hindi ko alam pero bigla kong inangat ang kaliwang kamay ko para haplusin ang pisngi nya kaso nung malapit na ang kamay ko sa pisngi nya, na outbalance ako bigla kaya
napasubsob ako sa may chest at bandang leeg nya.
Muntik pa akong mapasigaw sa gulat pero buti na lang natakpan ko agad ang bibig ko.
Pero teka.. bakit ang bango nya parin?
Maghapon kaming nasa labas,mabango parin?
Maya maya may narinig akong "uuhhhmm"
Nanlaki ang mga mata ko nang maisip kong baka nagising sya.
Kaya naman napaangat ako ng tingin at lalo lang nanlaki ang mga mata ko nang makita syang nakatingin din saakin na halos isang inch na lang ang layo ng muka nya sa muka ko.
Agad naman akong napalayo sakanya at naupo nang maayos.
Ako: A-ah.. a-ano k-kase... i-inaabot ko yung ano.. yung s-seatbelt mo p-para t-tanggalin. N-nandito na kase t-tayo.
Shet! Nakakahiya! Nuutal utal pa ako bwiset!
Pakiramdam ko yung init ng muka ko umabot na hanggang batok ko e!
Ano ba naman yan Angel?!
Aelius: Is that it? I thought you were taking advantage of me.
He said in a husky sleepy voice which sounds sooo... sexy.
Waaaaaah! Ano ba talaga ang nangyayare sakin?!
Utang na loob naman! Pinagnanasaan ko ba tong lalaking to?!
Ako: H-hoy! Asa ka.
Sabi ko nang hindi tumitingin sakanya sabay baba na ng sasakyan.
Bumaba na rin naman sya.
Naglakad na ako papasok ng building nang hindi sya nililingon. Ramdam ko naman na nakasunod lang sya sa likod ko.
Pagkarating namin sa unit nya, nagmamadali akong pumasok sa banyo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
OMG! Sobrang pula nga ng muka ko!
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
