Chapter Sixteen

5 1 0
                                    



Nang magsawa akong maglakad lakad, pinuntahan ko na ang address na nakasulat dun sa maliit na papel.



*knock knock*



Saglit na naghintay akong mapagbuksan.

At hindi naman gaanong matagal nang bumukas ang pinto.



Ako: Hello po. Goodevening.



Nakangiting bati ko sa isang babaeng tingin ko ay nasa early forties ang edad. Ngumiti naman sya sakin.



"Tuloy ka Hija."



At sabay nga kaming pumasok sa isang bahay na di naman gaanong maliit pero di rin naman ganon kalaki.

Pero malinis at maaliwalas. Halos lahat kulay puti sa loob at meron ding mga halamang nasa paso.



"Upo ka muna at ipagtitimpla kita ng tsaa."



Nakangiting tumango naman ako bago naupo sa malambot na sofa.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang loob ng bahay.

Ewan ko pero magaan ang pakiramdam ko at ang aliwalas ng paligid.

Bumalik ang ginang na may dalang tray na may dalawang cup ng tea at nilapag yon sa mesita.

Saka sya naupo di kalayuan sa tabi ko.

"Uminom ka muna Hija."



Ako: Salamat ho.



Inabot ko naman yung isang cup at marahang ininom ang laman nun.



"Ako nga pala si Hilda, Angel ba ang pangalan mo Hija?"



Nakangiti paring tanong nya.



Nagtatakang binaba ko ang cup sa mesa at tiningnan sya.



Ako: Paano nyo ho nalaman?



Tita Hilda: Yung taong nagbigay sayo ng address ko, kilala ko sya. Sa katunayan, parang anak na ang turing ko sa batang yon.

Madalas syang dumalaw dito sakin, napakabait na bata.

Ako: Kilala nyo ho si Hero?

Tita Hilda: Yun ba ang pinangalan mo sakanya?

Tumango ako.



Tita Hilda: Alam mo ba, tuwang tuwa ang batang yon nang binigyan mo sya ng pangalan.

Sabi nya nga, ngayon nya lang nagustuhan ang pangalang binigay sakanya. Lagi ka nyang naikkwento sakin sa twing napapadaan sya rito.

Ako: T-talaga ho? A-ano naman po ang kinikwento nya tungkol sakin?

Tita Hilda: Lahat ng tungkol sayo. At syempre kung gaano kaganda ang ngiti mo. Kakaiba nga ang kislap ng mga mata nya sa twing binabanggit ka nya sakin e. Ngayon ko lang sya nakitang ganon. Kaya gusto kong magpasalamat sayo kase napapasaya mo sya.

Napangiti naman ako lalo dahil dun.



Ako: Nakakatuwa naman pong malaman na napapasaya ko sya. Tama ho kayo, napakabait po ni Hero. Pero may gusto lang po akong malaman, kung nakikita at nakakausap po kayo ni Hero, ibig po bang sabihin nun--

Tita Hilda: Ay nako hindi. Mali ang iniisip mo Hija. Hindi ako katulad nya. Isa rin akong normal na tao. Palagay ko, binigyan talaga ako ng kakayahan ng Diyos na makausap at makita ang mga katulad ni Hero.



Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon