Matapos ang sobrang bagal at pagewang gewang na paglalakad, sa wakas nakarating din kami sa unit nya.
As expected, wala na sila Luke doon. Mabuti na rin yon.
Kaya diniretso ko na si Aelius sa kwarto nya.
First time kong makapasok sa kwarto nya kaya namangha ako.
Sobrang organized ng lahat ng gamit sa loob at ang linis din.
Maliban lang sa bed nya. Halatang hindi nya yon inayos pagkagising nya.
Agad kong inihiga si Aelius sa kama. Saka hinilot hilot ko yung balikat ko.
Grabe nakakangalay yon ah! Medjo sumakit din ang likod ko.
Nakita kong nakasapatos pa pala sya kaya naman, lumapit ako para hubarin yon.
Nang mahubad ko na ang mga sapatos nya, nakarinig ako ng...
Aelius: Hmm...
Kaya napatingin ako sakanya. Akala ko nagising sya.
Kaya nakahinga ako nang maayos nang makita kong nakapikit parin sya.
Napadako naman ang tingin ko sa lips nya at sa sugat sa gilid non.
Medjo mapula at maga rin.
Napailing ako.
Siraulo talaga. Sabi nya kanina parang hindi naman daw sya nasapak. E tinginan mo nga yan o. Maga yung labi nya. Hays. Puro yabang din e.
Maya maya gumalaw galaw sya na para bang naiinitan. Mainit ba?
Naka on naman ang aircon ah? Saka ang lamig na nga rito sa kwarto nya e.
At ganon na lang ang gulat ko nang bigla nyang hubarin ang tshirt nya habang nakapikit parin.
Kaya naman nalantad sa mga mata ko ang chest nya.
Nanlalaki ang mga matang napatalikod ako sakanya.
Jusko.
Parang hindi ata ako makahinga nang maayos.
At oo nga parang tama nga sya.
Ang init nga rito.
Wooooooh!
Grabe!
Mabilis na lumabas ako ng kwarto nya.
Pinipigilan kong uminit nanaman ang muka ko kaya uminom ako ng malamig na tubig.
At nang makalma ko na ang sarili ko, naalala ko ang namamaga nyang labi.
Kumuha ako ng ice cubes at nilagay yon sa cold compress saka bumalik sa kwarto nya.
Sinanay ko muna ang mga mata ko sa tanawing yon bago ako dahan dahang lumapit sa kama at naupo sa gilid nya.
Saka marahan kong nilapat yung hawak kong cold compress sa may labi nyang maga.
Naramdaman nya naman yon kase medjo gumalaw sya nang mailapat ko na yon sa labi nya.
Gamit ang kaliwa kong kamay, hinawi ko naman ang buhok nyang nakatakip sa noo at kalahating muka nya.
At may kung ano akong nakita sa may taas ng kaliwang kilay nya.
Hinawakan ko yon at nalaman kong isa pala yung pilat.
Mukhang tinahi kase e. I wonder how painful that was.
Sabagay, sa kwento ng nakaraan nya, hindi na ako magtataka kung minsan na syang nakipagbasag ulo.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
