Habang nagmemeryenda at nagkikwentuhan kami ni Aelius kasama ang Mama nya dito sa porch ng bahay nila ay saka namang dating ng kanina pa namin hinihintay.
"Now where's out not-so-baby-baby-boy?"
Narining kong sabi ng isang babae muna sa loob ng bahay. Natigil sa pagkikwento si Mrs Yncencio, at sabay sabay kaming napalingon sa pinangalingan ng boses na yon.
Maya maya pa ay nakarinig na kami ng mga yapak ng paang palapit saamin. Ilang saglit pa ay nasa harapan na namin ang isang lalaking sa palagay ko ay nasa 30s na ang edad at isang babeng sa tingin ko ay nasa late 20s.
Sila siguro ang mga nakatatandang kapatid ni Aelius. Halata ang pagkakahawig nilang lahat e. Agad na napatayo naman sa kinauupuan nya sa tabi ko si Aelius nang makita ang mga bagong dating.
Aelius: H-hi Ate Cassie and Kuya Dave.
Medjo nag aalangan pang bati ni Aelius sa mga ito.
Ate Cassie: Oh My God! Is this real?!
Gulat at hindi makapaniwalang nilapitan ni Ate Cassie si Aelius. Hinawakan nya ito sa magkabilang muka.
Ate Cassie: Is that really you AA? Our AA?
Dagdag pang tanong nito.
Aelius: U-uhm.. y-yea. I.. I just grew a lil taller than you but I guess I'm still your AA.
At walang anu ano'y niyakap sya nito nang mahigpit.
Ate Cassie: Thank God! Thank God you're alive!!
Nakatalikod sakin si Aelius kaya kitang kita ko ang muka ni Ate Cassie habang nakayakap sakanya ito. Nakita ko rin ang mga luhang tumulo mula sa mga mata nito.
Matapos ang ilang sandaling yakapan..
Kuya Dave: Good to see you again bro. We... we missed you so much actually.
Sabi naman ng Kuya nya saka sya binigyan ng yakap pang Kuya at isang tapik sa balikat.
Kitang kita at ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa bawat isa sa kanila. Matapos ang limang taong pagkakahiwalay, nagkasama sama na rin ulit sila. At hindi ko naman maikakaila ang nag uumapaw na kaligayahan na nakikita ko ngayon sa mga mata ni Aelius. At sobrang natutuwa ang puso ko dahil don.
Matapos akong ipakilala ni Aelius sa Ate at Kuya nya, nagsimula na ang masayang kwentuhan ng pamilya.
Nakaman naming may asawa't isang 4yrs old na anak na pala si Kuya Dave at kasalukuyang nasa America. Hindi raw ito nakasama sa pag uwi dahil may pasok sa school ang anak nito.
Pinakita naman ni Tita Maridette ang mga litrato ng anak at asawa ni Kuya Dale.
Si Ate Cassie naman ay kasalukuyang engaged sa kanyang Half-Filipino and Half-American boyfriend at nakaschedule na ang kasal ngayong taon.
Habang si Tita Maridette naman ay wala nang planong mag asawa pa. Dahil aniya, wala nang mas hihigit pa sa Daddy nila para mahalin nya. Sapat na raw sakanya na makitang buo at magkakasama na ulit ang mga anak nya.
Mabilis na lumipas ang mga oras, namalayan na lamang namin na gabi na pala at nakahanda na ang pagkain para sa hapunan.
Habang kumakain ay nagkikwentuhan parin ang pamilya. Inaalala ang mga masasayang ala ala nila noon bilang isang buo at masayang pamilya.
Habang ako naman at tahimik na kumakain at nakikinig lang din sakanila.
Paminsan minsan sumasali rin ako sa kwentuhan hanggang sa napansin kong nakatingin sakin si Kuya Dave na para bang may malalim na iniisip.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
