Chapter Nineteen

6 1 0
                                    

Nung sumunod na araw may isa pang lugar na gustong gusto ko rin puntahan noon na gusto kong ipakita kay Aelius. Kaya naman bago sya magising, naihanda ko na lahat.


Nagluto na ako ng mga pagkaing babaunin namin at nagrent a car na rin ako.

Buti na lang talaga, pinahiram ako ng pera ni Hero. Oo, akalain nyo yon?

Meron din pala syang pera na tulad nang ginagamit ng mga tao rito? Ang galing diba?

Ayos na lahat at bihis na rin ako nang saka palang lumabas ng room nya si Aelius.

As usual, magulo ang medjo mahaba at wavy nyang buhok, naka tshirt at jogging pants sya.Yung literal na just woke up look talaga.



Ako: GOOD MORNING!

Super hyper at nakangiti kong bati sakanya.Papungas pungas namang tumango sya.Papasok pa lang sya sa banyo nang magsalita ulit ako.



Ako: Maligo at magbihis ka na, may pupuntahan tayo.

Napahinto tuloy sya sa paglalakad.

Aelius: Ha? Saan?

Ako: Secret! Sige na. Bilisan mo na!

Tinulak ko na sya papasok sa banyo para maligo.

At habang naliligo sya, chineck ko ulit yung mga gamit na dadalhin namin at isa isang nilagay yon sa isang cute na cute na kotse.



After 30 minutes, tapos na syang maligo at magbihis.

Ako: Okay! Let's go!

Nauna na akong lumabas ng unit nya, wala naman syang choice kundi sumunod.

Aelius: Saan ba talaga tayo pupunta?

Tanong nya habang nasa elevator kami.

Ako: Secret nga. Alam ko namang wala kang lakad ngayon e. Kaya walang problema.

Aelius: At paano mo naman nalaman?

Nilingon ko sya.

Ako: Coz I'm your Angel. *wink*

Hindi ko sure kung naasar sya o wala na talaga syang masabi kaya hindi na sya sumagot hanggang sa makarating na kami sa kotseng nirentahan ko.

Aelius: Teka, kaninong kotse yan?

Gulat na tanong nya naman.

Ako: Kinarnap ko kanina, bakit?

Pabiro pero seryosong sagot ko.

Tiningnan nya naman ako ng 'yung totoo' look.

Ako: Ano ba? Syempre nirentahan ko. Ano? Akala mo ikaw lang marunong mag rent a car?



Tinaasan ko pa sya ng kilay habang nakapamaywang.

Iiling iling naman na naglakad sya papunta sa Driver's seat.

Ako: Hep hep hep! Sa kabila ka po.

Pigil ko naman sa akmang pagbukas nya ng pinto ng kotse.

Aelius: Ikaw ang magmamaneho?!

Nanlalaki ang mga matang tanong nya.

Ako: Aba aba mukang di ko ata gusto yang tono ng pagtanong mo ah. Anong akala mo sakin? Hindi marunong magmaneho?!

Lalo namang tumaas ang kilay ko dahil doon.

Tinaas nya naman pareho ang mga kamay nya tanda ng pagsuko.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon