As expected, bumalik nga ang mga boys na lasing. At hulaan nyo kung sino ang pinakalasung sakanilang tatlo.
Syempre, walang iba kundi si Aelius.
Habang nasa isang maliit na kiosk kami nina Sam at Farra, nagkikwentuhan, dumating sina Luke at Steven na inaalalayan si Aelius.
Farra: I told you.
Bulong naman ni Farra.
Steven: Masyado ata kaming namiss ni Yno kaya naparami ang inom.
Napatingin ako kay Aelius na halos di na maidilat ang mga mata sa sobrang kalasingan.
Tumayo na ako para lumapit sakanila
Luke: Ikaw na bahala dito sa asawa mo Angel ha?
Sam and Farra: Asawa?!
Steven: Oo langya. Nauna pa pala sakin magpakasal si Yno e. Pinakita nya samin yung suot nyang singsing nya at sinabing kasal na ras sya kay Angel. Tapos—
Ako: O-okay na. Sige ako na ang bahala sakanya.
Lumapit na ako kay Aelius para alalayan ito.
Samantha: Angel, uuwi pa ba kayo? It's late. Dito na kayo matulog. May isang room pa namang available e. Dun na lang muna kayo. Bukas na kayo umuwi.
Napalingon ako kay Sam.
Ako: I-isang room?
Samantha: Oo. May problema ba?
Ako: A-ah eh.. wala naman. Sige don na lang kami.
Habang inaalalayan parin si Aelius tinuro na sakin ni Steven ang room namin ni Aelius.
Steven: Osya, maiwan ko na kayo dito. Ang sakit na rin kase ng ulo ko.
Ako: Osige. Salamat ulit Steven.
Inalalayan ko na papasok ng kwarto si Aelius at saka dahan dahang inihiha sa kama.
Nako naman. Bakit naman kase isang room lang ang available? Masyado ba silang maraming bisita at napuno nila ang buong resort?
Habang nakaupo ako sa kama katabi si Aelius na nahihimbing na, napatingin ako sa muka nya.
Ako: At bakit ka naman kase nagpakalasing ha? Hindi naman siguro dahil malungkot ka diba? Sabi mo sakin okay ka na. Tanggap mo na ang lahat ng tungkol sainyo ni Sam.
Hinawakan ko ang kamay nya.
Ako: Sana lang talaga totoong happiness na ang nararamdaman mo ngayon at sana hindi na yan mawala sayo kahit kailan.
I gently smiled at him kahit na hindi nya ako nakikita.
Hinawi ko ang hibla ng buhok na tumatakip sa muka nya. I stared at his face at kakaibang tuwa ang nararamdaman ko sa puso ko habang nakatingin sakanya.
Ako: Salamat Aelius. Dahil sayo marami akong natutunan sa buhay. Dahil sayo nakita ko kung gaano kasaya mabuhay sa mundo kahit na minsan gusto na lang natin sumuko. Salamat kase kahit alam kong hiram lang ang mga sandaling nakasama kita rito, naging masaya ako. Yung sayang hinahanap ko noon, natagpuan ko ngayon. Sa tabi mo. At pinapangako ko, sa mga huling araw ko rito, ipaparamdam ko sayo yung pagmamahal at yung kaligayahan na deserve mo.
I leaned closer to him to put a kiss on his forehead. As my lips touched his forehead, I felt a tear fell from my eye.
Muli ko syang tinitigan bago magpasyang tumayo.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
