Hawak ang doorknob ng puting pinto na yon, marahan akong pumikit at sinabing
"Diyos ko, tulungan nyo po akong magawa itong misyon na ito para makapiling ko na Kayo."
Saka ko pinihit ang doorknob para buksan ang pinto. Pag labas ko sa pinto na yon, may nakita akong apat pa na pinto.
Ano po ito? Aling po ba rito ang tamang pinto?
"Kahit aling pinto ang piliin mo jan, lahat yan dadalhin ka pabalik sa mundo. Iba ibang lugar nga lang ng mundo.
Piliin mo kung aling pinto ang pinakamalapit sa lugar ng taong tutulungan mo para madali mo syang mahanap."
Seryoso? E hindi ko naman alam kung saan nakatira yon. Alin ba dito ang pipiliin ko?
"Tumatakbo ang oras mo Angel. Mamili ka na."
Waaaaah! Oo nga pala! Hays bahala na nga.
Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng pangatlong pinto mula sa kaliwa.
Please. Sana tama itong napili ko.
Saka ko binuksan ang pinto at lumabas doon.
Paglabas ko ng pinto napakaraming tao ang nadatnan ko. Halos lahat abala at nagmamadali.
Pilipinas! Nasa Pilipinas ako!
Teka, Pilipino ba sya?
Nako naman Angel! Bat ba hindi ka nagtanong ng mga impormasyon tungkol sa taong yon?
Ni hindi mo tiningnan kung nasaan sya ng lupalop ng mundo. Ngayon paano mo sya mahahanap aber?
Tanda mo ba ang pangalan nya? Ang muka nya? Paano kung wala naman pala sya dito sa Pilipinas?
Edi nasayang ang oras mo?
Tandaan mo, 40 days lang ang meron ka.
40 days lang, Angel!
Jusko naman. Ngayon pa lang pinanghihinaan na ako ng loob.
Tingnan mo naman ang dami ng tao dito oh!
Naglakad na ako pero unang hakbang pa lang may naramdaman na akong mali.
Kaya naman napatingin ako agad sa paa ko.
Napatingala ako.
Srsly?! Nakapaa lang ako?
Ako: Seryoso po kayo? Maglalakad ako at hahanapin yung taong yun nang nakapaa? Ang tinde nyo naman po. :(
Hays! Pero kailangan mo tong gawin Angel. Gusto mong makapunta sa langit diba? Kaya magtiis ka.
Huminga muna ako nang malalim. Hahakbang na sana ako ulit nang may makita akong puting motorbike sa harapan ko.
Sakay ang isang nakawhite tuxedo na lalaki at naka white din na helmet.
Hindi sya mahilig sa white ano? Pati shoes at necktie nya white din.
Maya maya dahan dahan nyang tinanggal ang helmet sa ulo nya. At ganon na lang ang gulat ko nang makita ang muka nya.
OMG! Muka syang isang greek God! Napakaperfect ng muka nya at basta!
Malalaglag ata kaluluwa ko e kahit di ko sure kung may kaluluwa pa ako sa lagay na to.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya.
Totoo ba sya? O imagination ko lang?
Lalo pa akong nagulat nang ngumiti sya at kumaway.
T-teka, ako ba ang nginingitian nya at kinakawayan nya?
Napatingin pa ako sa tabi ko kaliwa at kanan para siguraduhin kung ako nga ang nginingitian nya.
Pero wala naman akong katabi. Pati sa likod ko wala rin.
Saka dahan dahan akong napaturo sa sarili ko.
Tumango tango naman sya at ngumiti ulit.
OMG ako nga.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasiaReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
