Nakarating na kami ng unit nya na parehong habol ang hininga kaya naman sabay pa kaming napasalampak sa sofa.
Grabe! Hindi ako makapaniwalang naghabulan kami ni Aelius sa tabi ng kalsada at sa dis oras pa ng gabi!
At isa pa ha? Inaasar nya ako.
Akalain nyo yon? May makulit na side din pala tong lalaking to.
Kaya naman worth it din yung pag takbo ko kanina.
Nakakatuwa rin na makita syang nakangiti at nakikipagkulitan na parang bata.
Nakakagaan lang ng pakiramdam.
Maya maya tumayo sya at pumunta nang kusina saka bumalik na may dalang tubig.
Inabutan nya naman ako non bago naupo ulit sa tabi ko.
Aelius: Ngayon na lang ulit ako nakatakbo nang ganon. Grabe, nakakapagod.
Humihingal paring sabi nya. Pero nakangiti parin.
Ako: HAHAHA! Oo nga e pero masaya!
Nakangiting tumango naman sya.
Napatitig naman ako sakanya habang nakangiti sya nang ganon.
Should I tell him now?
Sisirain ko ba ang mood nya ngayon at sabihin ang tungkol sa narinig kong usapan?
Do I have the heart to do that?
Pero nakapag decide na ako kanina diba?
He needs to know the truth.
But I... I just can't take his smile away now.
Aelius: Hey, why are you staring at me like that?
Saka ko lang namalayang nakatingin na rin pala sya sakin kaya naman ngumiti na lang ako sakanya saka umiwas na ng tingin.
Aelius: You look like you're about to say something. Sabihin mo na.
Ako: H-hinde. Wala. Wala naman.
Tanggi ko naman saka tatayo na sana ako nang hawakan nya ako sa magkabilang balikat at iniharap sakanya.
Aelius: Something's bothering you. Tell me about it.
Napantingin ako sa mga mata nya.
Seryoso na ulit sya. Nawala na yung bakas ng ngiti sa mga labi nya.
At mukang hindi nya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi.
Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita..
Ako: Kung papipiliin kita, alin ang pipiliin mo?
Maging masaya nang hindi nalalaman ang totoo o masaktan at malungkot basta nalaman mo ang totoo?
Napansin kong kumunot ang noo nya.
Aelius: What do you mean?
Naguguluhang tanong nya saka binitawan ang mga balikat ko.
Ako: Look, alam ko naging masaya ang araw mo ngayon kahit papano. You smiled and I saw it. And it made me smile too. Kaya ayokong sirain yon.
Aelius: I don't understand. May kailangan ba akong malaman? Anong totoo ang sinasabi mo?
Ako: ...
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
