Chapter Thirty Nine

14 1 0
                                    

Bigla akong napamulat at tila habol habol ang hininga. Malakas ang kabog ng aking puso.


Naramdaman ko na tila ba saka lang ako ulit nakabalik sa realidad at sa kasalukuyan. Pakiramdam ko nagising ako mula sa isang napakahabang panaginip.

Nang makalma ko na ang sarili ko, saka ko lang din napansin na nandito na ulit ako sa lugar kung saan tinapos ko ang lahat.


Sa rooftop.

Nakatayo sa gilid ng gusaling yon. Kung saan  isang maling galaw ko lamang ay maaari na akong malaglag.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, ang katawan ko. Totoo ngang nakabalik na ulit ako. Totoo ngang buhay na ulit ako.

Oo, pinili ko parin ang bumalik sa mundong to at sa buhay ko kahit na mawawala ako sa alaala ni Aelius. Kase naisip kong mas makakabuti na rin sakanya yon. At least hindi na sya malulungkot at masasaktan dahil sa pagkawala ko. Okay na saking malaman na hindi na sya nabubuhay sa dati nyang madilim na mundo. Hindi na sya nabubuhay nang mag isa at malungkot. Basta mabubuhay sya nang masaya, malaya at malayo sa sakit ng mga nakaraan nya, masaya na ako.

At oo, mas pinili kong wag burahin ang mga alaala nya sa isip at puso ko. Gusto kong baunin lahat ng mga yon saan man ako magpunta. Dahil ang mga alaalang yon ang magsisilbing lakas ko para magpatuloy sa buhay ko rito sa mundong to.


I'll keep him and our memories in my heart just like what I promised to him.

Ang hindi ko lang siguro matutupad ay yung pinangako kong hahanapin ko sya. Kase kasabay ng pagpili kong bumalik dito, nangako rin ako sa sarili ko na aayusin ko na ang buhay ko. Gusto kong gawin ang isang bagay na nakayang gawin ni Aelius. Ang patawarin at palayain ang sarili mula sa mga nakaraan nyang madilim.

Kung pagtagpuin man kami ulit ng tadhana ngayon, sa buhay na ito magpapasalamat ako.  Dahil kung nakatakda talaga kaming magkita sa buhay na ito o sa susunod na buhay kung meron man, magkikita at magkikita ulit kami.

At gusto ko, kapag nangyare yon, gusto ko maayos na ako. Maayos na ang buhay ko at hindi na tulad ng dati.

Bumalik ako rito para itama lahat ng mali. Para baguhin lahat ng dapat baguhin. Para mas maging matapang at para mas maging masaya. Bumalik ako rito para sa mga taong masasaktan kapag umalis ako. Para mas maappreciate pa sila lalo at para mas mahalin pa sila at ang sarili ko.

I've decided to give this life a second chance.

And this time, I'll make sure that I'm gonna do it right.





I stepped back away from the edge of this building.


I can feel it inside me that I've made the right decision.

Napangiti ako sa sarili ko habang pinupunasan ang mga pisngi ko.

Saka ako nagsimulang tumakbo pabalik sa  loob ng building.

Nang makabalik ako sa bahay, nakita ko agad si Mama na nasa kusina at nagtitimpla ng gatas.

Agad akong tumakbo palapit sakanya at niyakap sya nang sobrang higpit.


Oh God, I missed her. I missed her so much.



Mama: Oh saan ka ba galing bata ka? Bat galing ka sa labas? Anong oras na ah?

Hindi ko mapigilang umiyak. But this time it was a tear of happiness. Nag uumapaw na tuwa ang nararamdaman ko ngayon.

Ako: I'm so sorry Ma. Sorry po talaga. Hindi hindi ko na po uulitin yon. Sorry po. I love you so much Ma. Sobra sobra. Hindi ko na po kayo iiwan. Hinding hindi na po.

Mama: Ano bang sinasabi mo jan? Nanaginip ka na naman ba? Bakit ka nagsosorry? At bakit ka umiiyak jan? San ka ba talaga galing?


Hinawakan ako ni Mama sa magkabilang balikat at iniharap sakanya.

Ako: Basta sorry po Mama. Promise po hindi ko na po talaga kayo iiwan. Dito lang ako lagi sa tabi mo.

Mama: Tong batang to. Osya, tumahan ka na jan at inumin mo tong gatas nang makatulog ka nang mahimbing.


Saka pinunasan nya ang luha sa pisngi ko bago tumalikod.


Aktong maglalakad na sana sya pabalik sa kwarto nya nang..


Ako: I love you Ma.


Gulat na lumingon sya sakin. Siguro dahil nagulat sya sa sinabi ko. Hindi kase talaga ako ganon. Di ako sanay na mag I love you sa kanya o kahit kina kuya.

Mama: Aweee sweetheart, I love you too.

Bumalik sya para yakapin ako at hagkan sa noo.

Mama: Now go and drink that milk. Wag ka na magpuyat. Matulog ka na pakatapos mo jan.

Ako: Opo Ma.

Nakangiting sabi ko.

Saka na sya tumuloy sa paglalakad papunta sa kwarto nya.



Haaaaayyyy.

Para akong ewan. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa tuwa.

Akalain mong mag iiba nang ganito ang pakiramdam at tingin ko sa mundo?

Maybe everything was meant to happen. To teach me something. To make me realize something. To make me appreciate my life and the people around me more.

And I still don't regret anything.

Malakas talaga ang kutob ko na this time, it will be so much better.

And I'll make the rest of my life the best of my life. This is my last shot to happiness and I'll make sure that this time, I'll win.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon