Chapter Thirty Eight

210 2 0
                                        

(After life)




Muli akong tinangay ng liwanag patungo sa harap ng isang puting pinto.


"Binabati kita. Dahil ikaw ay nagtagumpay sa iyong misyon dito sa lupa."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon at nakita si Hero na dahan dahang naglalakad palapit saakin.

Pilit namang ngitian ko sya.

Hero: Anong nararamdaman mo ngayong nagtagumpay ka sa iyong misyon?

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.

Ako: M-masaya.. k-kase natulungan ko si Aelius at nakita ko syang maging tunay na masaya.



Hindi ko na sinabing nakakaramdam din ako nang matinding lungkot dahil iniwan ko yung taong pinakamamahal ko.

Hero: Mabuti naman kung ganon. Ngayon, bago ka tuluyang tumawid sa pintong yan, may nais akong itanong saiyo. Mula nung nagsimula ang misyon mo, di mo ba naisip o sumagi man lang sa isip mo kung anong nangyare sa mga taong iniwan mo nung tumalon ka mula sa gusaling yon?

Hindi ako nakasagot.

Hindi nga ba?

Hero: Halika, may ipapakita ako sayo.

At nauna na nga syang maglakad patungo sa biglang lumabas mula sa kawalan ang isang malaking screen.

Hero: Panoorin mong mabuti kung ano ang nangyare sa mga taong naiwan mo, matapos mong kunin ang sarili mong buhay.

At tila nga isa akong sunud sunuran na napatingin na nga sa screen.

Ipinakita doon na para bang isang pelikula ang mga nangyare mula nung tumalon ako sa building.

Ang unang nakaalam noon sa mga kakilala ko ay ang boyfriend ng bestfriend kong si Sienna.

Dahil nandoon mismo ito sa katabing gusali ng building na yon. Tinawagan agad nito si Sienna nang makumpirmang ako nga ang babaeng nakahandusay sa kalsada at walang ng buhay.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Sienna at nakipagsiksikan sa mga nagkukumpulang tao para makalapit sa katawan ko. Kahit pinipigilan sya ng mga pulis ay nagpupumiglas sya para makalapit.

Naupo sya sa kalsada at tila in slow motion na niyakap nya ang katawan ko habang humahagulgol sa pag iyak.

Wala syang pake kung puno na ng dugo ang damit at mga kamay nya. Nanatili syang nakayakap sa katawan ko habang walang humpay sa pag iyak. Makalipas ang ilang minuto ay pinilit na syang ilayo ng mga pulis sa katawan ko at nagulat na lang ako nang bigla na lang syang hinimatay at nawalan ng malay.

Sunod na nakaalam ay ang dalawa kong kuya na agad umalis sa kani-kanilang trabaho para sumugod sa ospital kung saan dinala ang katawan ko.

Nang makita nila akong nakahiga sa isang kama na wala nang buhay, ang makikisig kong mga kapatid ay tila pinanghinaan ng tuhod.

Ang pangalawa kong kuya ay di na nagawang lumapit pa sa kama at napaupo na lamang sa tabi ng pinto ng kwarto habang sapo sapo ang ulo na tila hindi parin makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata.

Habang ang panganay ko namang kuya ay napasuntok nang sobrang lakas sa pader na halos mabali na ang mga buto nito.

Pareho silang hindi makapaniwala sa kinahantungan ng kanilang bunsong kapatid.

Alam kong wala silang kaalam alam sa kung anu mang pinagdadaanan ko. Kaya ni sa hinagap ay hindi nila aakalaing mauuwi ako sa ganon.

Kinaumagahan, nasa harap na ni Mama ang dalawa kong Kuya. Matapos pag isipan buong gabi kung paano nila ipapaalam kay Mama ang nangyare sakin, andito na sila sa harap nito ngayon.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon