Chapter Fifteen

8 0 0
                                    

Hindi ko mapigilang mapaisip nung umalis na yung babae.

Hindi ko man lang natanong kung anong pangalan nya.

Pero lahat ng sinabi nya may sense. At hindi ko man lang naisip na posible pala mangyare yon.



Na sa pinakahindi mo inaasahang pagkakataon, nakahanap sila ng taong mamahalin nila.



Pero posible bang mangyare samin ni Aelius yon? Posible bang mahalin nya ako?

Hindi naman diba? Kase alam ko hanggang ngayon, mahal na mahal nya parin si Samantha.

Baka nga hanggang ngayon umaasa parin syang babalik ito sakanya hindi nya lang maamin.

At kung ako naman, hindi ko alam. Pero hindi naman ako natatakot.



Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Pero wala naman kaming alam sa mga posibleng mangyare e.

Pero sigurado ako, mahirap yon. Malungkot din. Pero higit sa lahat totoo. Totoong pagmamahal yon.



Haaaay.

Misteryoso nga talaga ang buhay. Mapapatanong ka na lang kung bakit nangyayare ang mga nangyayare.



Pero bago ko isipin yon, kailangan ko munang isipin kung saan na ako pupulutin ngayon.



Malapit nang dumilim. Ugh, ano bang gagawin ko? Saan ako magpapalipas ng gabi ngayon?



"Angel?"



Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na yon.



"Sabi ko na nga ikaw yan e. Anong ginagawa mo rito?"





Ako: Farra.



Lumapit sya sakin.



Farra: Kamusta?

Ako: A-ah o-okay naman.

Farra: Bat nag iisa ka rito? Kailangan mo ba nang masasakyan? Halika hahatid na kita. Taga saan ka ba?

Ako: A-ah hinde. A-ano kase.. ayoko umuwi samin ngayon.

Farra: Oh yea I know. Parents sucks. So ano? Gusto mo bang magstay muna sa bahay ko?

I won't mind. Wala naman akong kasama dun e.

Ako: T-talaga? Sigurado ka?

Farra: Of course! C'mon!



Hindi na rin ako tumanggi kahit di ako gaanong komportable. Kase wala talaga akong alam kung saan ako pwede magpalipas ng gabi.



Sumakay na nga kami sa kotse nya at nagdrive na sya papunta sa bahay nya.

Farra: Feel at home ah. Nagugutom ka ba?



Sabi nya nang makarating kami sa bahay nya.



Srsly? How can these people afford this kind of house?

Farra: Nagtataka ka ba? Kung bat mag isa akong nakatira dito at kung paano ko nagagawang bayaran ang lugar na to?



Saka sya naupo sa katapat kong couch at nilapag sa table ang isang box ng pizza at coke in can.

Farra: I'm only 19 pero I live on my own. Anak ako sa labas ng isang mayamang negosyante.

Nung namatay ang Mom ko, wala akong choice kundi humingi ng tulong sa tatay ko.

At eto ang binigay nya sakin. Binigyan nya ako ng sariling bahay at allowance every month.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon