Prologue

1.9K 46 4
                                    

Prologue

Tulala ako sa bintana ng sinasakyan kong bus, habang mag-isa akong nag babyahe pauwi ng Nueva Ecija. Sa loob ng halos pitong buwan ay ngayon na lang ulit ako uuwi rito. Matapos kase nang nanyare kay Xander ay nag desisyon na kong tumira sa La Union kasama ng aking Auntie Rowena, pero ngayon ay kelangan ko nang bumalik samin para mag patuloy sa pag aaral. Hindi ko alam kung bakit ko pa yon kelangan gawin. Ayoko nang bumalik pa roon. Ayoko nang bumalik sa lugar kung saan punong-puno nang masasakit na alala. Huminto na ang sinasakyan kong bus sa terminal ng Cabanatuan City. Isang sakay pa ng tricycle para makauwi samin.

"Andito na po ako—"

"Anak ate..."

Agad akong sinalubong ni mama, papa at nang mga kapatid ko pag pasok ko roon sa bahay.

"Kamusta ka na anak?" Tanong papa na agad kinuha ang bag pack na dala ko.

"Maayos naman po." Tamad kong sagot.

"Kumain ka na ba anak? Pinag luto kita ng pagkain."

Hindi ko pinaalam sakanila ang pag uwi ko pero mukhang pina alam iyon ni auntie sakanila.

"Ate? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Mich na nakababata kong kapatid.

"Busog pa po ako, mag papahinga po muna ko sa kwarto."

Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat nilang lahat. Siguro ay naninibago silang lahat sakin? Sa bagay kahit naman ako. Kahit ako hindi ko na kilala ang sarili ko. Sa pag kawala ni Xander pakiramdam ko nawala na rin ang lahat sakin, nawala na pati ang sarili ko, pati buong pag katao ko. Hindi ko na makita ang masayahing si Safia noon. Na alala ko pa tuloy noon, kung gaano ako kakulit at masayahin, halos lahat nga nang school mate ko noon ay kakilala at ka close ko.

"Hi Safia?"

"Hi, good morning." Kumaway pa ako roon sa grupo nila Julie na bumati sakin.

"Ganda mo ngayon, ah?" Bati naman ni Arnold sakin.

Ngumisi ako at hinampas sya ng mahina. "Bolero ka pa rin." Humagikgik ako ng mahina.

Magisa akong nag mamartsa papunta sa classroom namin. Panay ang kaway ko sa mga estudyanteng bumabati sakin. Isa akong masiyahin at pala kaibigang tao kaya siguro gustong-gusto ako ng mga tao sa paligid ko.

"Good morning babe."

Tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang hiningang yon sa tenga ko kaya agad akong pumihit para lingunin sya. Kuminang ang mga mata ko ng bumungad sakin ang malaking ngisi ng pinaka mamahal kong boyfriend na si Xander.

"Happy second Anniversary, babe." May inabot syang bouquet sakin.

Uminit ng husto ang pisngi ko ng mag tilian ang iilan estudyanteng nanunuod samin. Nang gilid agad ang luha ko. Hindi ko mapigilan, talagang naiiyak na ako. Hindi ko alam kung ano bang kabutihan ang nagawa ko sa mundo at naging ganito kabait sakin si God. Feeling ko kase nasakin na ang lahat, masayang pamilya, maraming kaibigan at syempre isang perfect na boyfriend. Kababata ko itong si Xander as in, best friend kami noon bago maging kami. Sariwa parin talaga sa isip ko, hanggang ngayon kung paano sya nag tapat ng feelings sakin. Grade 9 ako non, habang grade 10 naman sya. Matagal ko na syang gusto kaya nung time na umamin sya sakin syempre sinagot ko na agad sya, ganon ako karupok, pero syempre sakanya lang yon dahil talagang kilalang kilala ko na sya, kaya nga kami umabot ng dalawang taon.

"Happy second Anniversary din babe."

Lumaki ang ngisi nya at mabilis akong hinalikan sa pisngi na nag patili sa mga estudyanteng nanunuod samin.

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon