Kabanata 25

794 33 2
                                    

Kabanata 25
Basta nasa tabi kita





"San ka galing?" Tanong ni papa pag pasok ko pa lang ng pintuan. Kompleto sila rito sa salas at nanunuod ng paporito nilang teleserye

"Uhmmm.. k-kase po-"

"Hon, sinabi ko naman sayo, diba? Baka galing yang si Safia sa sementeryo dahil first death anniversary ngayon ni Xander"




Parang nanlambot bigal ang tuhod ko sa sinabi ni mama. Ngayon? Ngayon ang death anniversary ni Xander? Pero panong nawala yon sa isip ko? Panong nakalimutan ko ang tungkol doon? Damn it!




"Are you okay, Safia?" Tanong ni mama

"P-po? O-opo. Akyat na po ko"

"Kumain ka na muna"

Hindi na ko nag abala pang pansinin sila. Basta nag derederetso lang ako sa kwarto. Para akong lantang gulay na napabagsak paupo sa kama ko. Ganito na ba talaga ang epekto ni Raizer sakin, para mawala sa isip ko si Xander? Sheeeet! Hindi ko na napigilang maiyak.

I'm sorry Xander. I'm sorry babe!

Tulad nga ng sabi ni Raizer ay dalawang beses rin akong bumalik sa bahay nila para tapusin ang Autocad ko. Thanks to him at nakakuha naman ako ng mataas na grado dahil doon.

Lumipas ang mga araw. Maaga akong matutulog ngayon dahil kelangan kong gumising ng maaga bukas para sa tour namin. Actually, wala naman talaga kong balak sumama pa roon, sigurado kase akong loner na naman ako don, kaso no choice eh' kelangan namin sumama. Kaming lahat na freshmen. Damn it!

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang tumunog ang alarm clock ko. 3:30 am na. 5 am dapat ay nasa CSU na kami dahil naroon ang bus na sasakyan namin. Kinuha ko agad ang tuwalya ko at naligo na. Pag katapos kong maligo ay iniayos ko na ang sarili ko. Yellow korean shirt ang suot ko na itinak-in ko sa high waist pants ko at white nike shoes. Ipinusod ko rin ang buhok ko at iniwan lang ang aking bangs. Isinuot ko ang aking bag pack na may laman lang na tubig, biscuits at chips, saka ko ginising si kuya Gio dahil sya ang mag hahatid sakin.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya ng makasakay na kami sa kotse

"Yes kuya" I lied. May baon naman akong biscuits kaya yun na lang ang kakainin ko mamaya sa bus

Tahimik lang kami, habang nilalandas ang daan papunta sa CSU. Alam ko naman na antok pa itong si kuya dahil 4:35 am pa lang. 4:50 am ng makarating ako sa CSU. Sakto lang naman ang dating ko dahil saktong 5 am pa naman ang alis ng bus, saka isa pa by section naman ang sasakyan naming bus kaya hindi naman ako mawawalan ng upuan. Pag lapit ko sa bus namin ay nakasakay na roon ang ibang ka-klase ko, habang ang iba naman nasa labas pa, kaya nag desisyon narin akong sumakay. Naupo ako sa pang apat na linya sa tabi mismo ng bintana. Umingay na dahil isa-isa na rin nag sisisakayan ang mga ka-klase ko.

"My gad! At talagang sumama pa ang babaeng yan?" Nakataas ang kilay ni Bernadette sakin

Malamang! Bakit, ano ba ine-expect mo? Tour ito hindi gala nyong mag totropa. Saka nag bayad rin ako kaya malamang andito ko.

Naupo sya sa mismong tapat ng inuupuan ko katabi nya ang kanyang boyfriend. Ang feeling siga na si Anthony, habang sa harapan naman nila naupo ang dalawa pa nilang alipores.

"Eh' san ako uupo ngayon?" Tanong ni Jonas sa mga kaibigan

"Edi dyan oh' sa tabi ng weirdong yan" pag tukoy ni Bernadette sakin

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon