Kabanata 21
One and only youSaturday morning!
Agad akong nag unat at kinapa ang aking cellphone sa kama.
"Good morning babe" bulong ko, habang pinag mamasdan ang picture ni Xander sa wallpaper ko "Today is Ysaiah's birthday! Sayang at wala ka, mas masaya sana kung kasama kitang pupunta roon" nag pakawala pa ako ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang bumangon roon
7 pm pa ang start ng party kaya madami pang oras para makapag laba at makapag linis ng bahay.
"Ate, hindi ba talaga ko pwedeng sumama? Gusto ko talaga makita in person ang mga U-Prince-"
"Hindi pwede" deretso kong sabi, habang nag luluto ng aming tanghalian
"Please, ate" ngumuso sya "Pinag yabang ko na sa mga ka-klase ko na ang ate ko ay ka-close ng mga U-Prince at invited pa sa birthday ni Ysaiah Vizconde-"
"Bakit? Sino bang nag sabing ipag yabang mo yon?" Pag tataas ko ng kilay sakanya
Ngumuso lalo sakin si Michylaine. Kagabi pa kase sya nangungulit na pasamahin ko sya sa birthday ni Ysaoy. Gusto lang naman daw nyang mag papicture sa mga U-Prince para ipakita sa mga ka-klase nya. Pabibo talaga! Ugh.
In-invite na nga lang ako tapos mag yayaya pa ba naman ako ng iba? Nakakahiya naman yon.
"Please-"
"I said no. Wag ka ng makulit dyan, hindi ka rin naman papayagan nila mama at gabi na yon masyado"
Syempre, nasa legal age na rin naman ako kaya kapag ako ay pinapayagan na nila. Idagdag mo pa yung mga nanyare sakin pag katapos mawala si Xander, kaya mas excited pa sila ngayon na umattend ako sa mga ganoon party, dahil I'm sure masaya silang malaman na nagagawa ko na ulit mag enjoy at makisalamuha ulit sa ibang tao. Pag dating ng hapon ay namili na ako ng maisusuot. Siguradong sosyal ang party na iyon, kaya ayoko naman mag suot lang ng kung ano. Matapos kong maligo ay nag patuyo na ako ng buhok at iniayos iyon. Ipinusod ko ang kalahati nito at iniwan nakaladlad ang kalahati na ikinulot ko pa ng bahagya. Iniwan ko rin nakaladlad ang aking bangs. Matapos non ay nag lagay rin ako ng mascara, konting blush on at lipstick, saka ko isinuot ang necklace na galing pa kay Xander at pinag masdan ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a peach half shoulder dress and sandals with 3 inches heels. Ito mismo ang suot ko nung huling date namin ni Xander. Naalala ko pa kung paano kuminang ang mga mata nya ng makita ako at sinabing 'you're like a diamond' hindi ako kasing ganda ng iba pero nakakatuwang maikumpara nya sa isang diamond.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...