Kabanata 50

803 28 3
                                    

Kabanata 50
Ang totoo


Hindi ko talaga matanggal sa utak ko yung mga nanyare kahapon. Yung mga sinabi nya at yung mga ginawa nya. Hanggang ngayon naiisip ko parin.


"Hindi ka ba masyadong nakatulog, Safia?" Tanong ni mama. Napansin siguro nya yung mga mata ko

"May report po kase akong tinapos" I lied

"Oh' ganoon ba? Kumain ka nang madami para may energy ka parin sa school"

"Opo"



Para parin akong lantang gulay pag dating ko sa classroom namin.



"are you okay?" Tanong ni Red ng hindi na nya matiis ang katahimikan sa pagitan namin dalawa


Nilingon ko sya at pinilit na ngumiti sakanya, kaso hilaw na ngiti lang talaga ang naibigay ko.


"Oo naman"


Shit! Umayos ka nga Safia! Mas mabuti na ito dahil ngayon ay sya na ang mismong lalayo sayo hindi ba? Hindi mo na sya magiging problema ngayon. Tama!



"Nakapag review ka ba para sa quiz natin?" Pinilit kong pasiglahin ang tono ko. Mabuti na lang at medyo nag tagumpay ako

"Oo naman. Bakit? Mangongopya ka?"

"Baliw! Hindi no!"



Nag tawanan kaming dalawa. Mabuti na lang talaga at andito sya. Kahit papano ay nawawala sa isip ko yung mga nanyare.



"Good morning class"

"Good morning mrs. Libranda-" bati namin lahat na pareparehas natigilan sa bigla pag dating ng U-Prince.

"Kasama ko ngayon ang ating U-Prince, dahil may ia-announce sya satin lahat- mr. Gelacio?"



Tumango si Raizer at nag martsa patungo sa gitna.



"Lalong gumagwapo ang U-Prince natin"

"Oo nga, sana bago sya maka-graduate ay maging close man lang kami"

"gusto ko rin yan"

"I love you, Raizer"



Nakakapag takang wala man lang sya naging reaksyon sa mga sinasabi ng mga ka-klase ko. Hindi ko alam kung nasanay na lang sya o nag matured na sya.



"Good morning, everyone"



Gumala ang patingin nya sa lahat pero nakakapag takang hindi man lang dumapo sakin ang paningin nya, gayon sigurado akong alam nyang dito ang classroom ko.



"Like what mrs. Libranda said, I have an announcement. Sa darating na August 5, ay mag kakaroon tayo ng unang seminar para sa semester na ito. Si Architect Luis Ortegas ang magiging speaker natin, sya ang pinaka kilalang Architect sa buong lalawigan at sya lang din ang nag iisang master plumber rito. Kaya sigurado bilang Architecture students ay marami tayong matutunan sakanya. Yun lang. Thank you everyone- Thank you mrs. Libranda"

"Arc. Luis Ortegas? Sya yung papa ni Brex Louie Ortegas, hindi ba?" Bulong ng kung sino.

"oo, sya nga. Hay! Bigla ko tuloy namiss yung ibang U-Prince. Si Raizer my loves na lang ang natitira sa batch nila"


U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon