Kabanata 31

823 29 12
                                    

Kabanata 31
Honey



Halos buong isang araw rin akong nanatili sa hospital at dalawang araw rin akong nag pahinga sa bahay. Sa loob ng tatlong araw na iyon, ni anino ni Raizer ay hindi ko man lang nakita. Naiinis ako dahil kahit papano ay umasa ako na dalawin man lang nya ko o kaya tumawag man lang sya para mangamusta, pero wala. Simula nung mag walkout sya sa hospital hindi na ulit sya nag paramdam.


Monday morning!


"Oh' anak? Bakit naka uniform ka?" Tanong sakin ni mama, nang makababa na ako "Hindi ba naipag paalam na kita sa mga professor mo na wednesday ka na makakapasok?"

"okay na po ako ma, kaya ko na pong pumasok" gusto kong pumasok para makausap si Raizer

"Sigurado ka ba dyan?"

"Opo"

"Oh' sya, sige, basta kung may kelangan ka tawagan mo lang kami, ah?"

"opo" maiksi kong sagot


Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng walang Raizer Ace Gelacio ang bumungad sakin ng umagang yon para sunduin ako. Ayos! Masyado na yata akong nasanay? Hinahanap ko agad eh!

Pag dating ko sa classroom namin ay pinag titinginan agad ako ng mga ka-klase ko? Bakit ganito sila makatingin? May nalalaman ba sila?


"Sabi ko sainyo, totoo eh! Tignan nyo yung kamay nya" biglang sabi ni Bernadette dahilan para mapatingin lahat ng mga ka-klase namin sa kamay kong may benda pa


May nalalaman nga talaga sila. Tss! Mabilis ko itong itinago. Kaliwa't kanan ang naging bulungan.


"Oo nga, totoo pala?"

"Masyado kasing ambisyosa, akala nya totoong seryoso si Raizer sakanya, kaya ngayon na may iba na si Raizer nag tangka syang mag suicide"


Kumunot ang noo ko sa sinabing yon ni Shella na isa pa namin kaklase. Anong ibig nyang sabihin?



"Walang wala naman kasi sya kumpara kay Carmela, kahit ako naman si Carmela talaga ang pipiliin ko, kumpara sa weirdong yan" humalakhak ng malakas si Anthony


Carmela? Sinong Carmela? Hindi ko maiwasan mapaisip ng sobra. Nangingibabaw na naman ang kuryosidad ko.


Buong morning class wala akong naintindihan sa discussion, dahil yung isip ko ay naroon kay Raizer at doon sa Carmela na sinasabi nila. Hindi mawala sakin ang kaba sa tuwing sumasagi sa isip ko ang katanungan tungkol sa koneksyon nila ng Carmela'ng yon. Alam ko naman at ramdam ko na may nag bago talaga simula pa nung dalhin ako sa hospital, simula kase non ay wala ng Raizer Ace Gelacio na nag paramdam sakin, ni isang chat or text ay wala. Sobra akong naninibago pero, ayoko parin paniwalaan yung mga naririnig ko galing sa iba, na patungkol sa relasyon nilang dalawa, mas gu-gustuhin ko pang isipin na kaya sya umiiwas sakin ay dahil roon sa huli namin naging pag uusap.


Lunch Break.

Excited akong lumabas ng classroom, dahil nag babakasali akong may Raizer Ace akong maabutan sa labas pero nabigo lang ako. Bumibigat ngayon ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Hinawi ko ang isang patak ng luha sa pisngi ko at nag simula ng mag martsa.


"Oh my gosh! Sino yung girl na kasama ni Raizer? Bago na naman?"


Awtomatiko akong natigilan sa pag lalakad. Nanlaki ang mga mata ko, kasabay ng pag awang ng bibig ko ng matanaw ko mula sa hindi kalayuan si Raizer Ace Gelacio, kasama ang isang maganda- mali. Napaka gandang babae.


U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon