Kabanata 17
Good boyNamutla ako ng biglang magtama ang mga mata namin ni Ranel. Pinilit nyang ngumiti sakin, kaya naman ganoon din angginawa ko.
"Long time no see." Seryoso nya iyon sinabi dahilan para maagaw nito ang atensyon ng lahat.
"Ah, o-oo, oo nga." Napapahiya kong sabi.
"Hindi namin alam na nandito ka na pala? Coincidence nga naman at dito pa tayo mag kikita?" He can't hide his bitterness tone.
Nanigas ako. "Oo nga eh."
"Magkakilala kayo?"
At sa dami ba naman ng tao rito, talaga itong si Raizer Ace Gelacio pa ang mag tatanong non? Wow! Dakilang epal talaga!
"Yes, she's Xander Alcantara's girlfriend." Si Ranel ang sumagot.
Shit! Ewan ko ba, pero sana kainin na lang ako ng lupa.
"Oh..." Napapahiyang sabi ni Raizer.
"Oo nga pala, si Ranel, Ysaiah, Ashton at Xander noon ang laging mag kakasama" si Luhan "kung ganon sya pala yung girlfriend ni Xander? Parang hindi ko sya napansin noon sa burol at libing?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi ni Luhan. What the hell? Kelangan ba talaga pati dito yan ang topic? Panay ang lunok ko para pigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Namutla ang mukha ni Luhan ng walang umimik samin.
"M-May nasabi b-ba kong masama?" Takang tanong nito.
"Ano ba naman kayo, birthday na birthday ko tapos ganyan ang pinag uusapan nyo." Hilaw ang ngisi ni Liam.
"Oo nga naman, dapat masaya lang." Si Kazel na nilingon pa ko.
Binigyan ko naman sya ng tipid na ngiti para sabihin sakanya na okay lang ako, at mukhang nakuha naman nilang lahat ang ibig kong sabihin.
"Mabuti pa at tatawagan ko na si Ashton para masabi kong papunta na tayo." Si Ruwesha na agad kinuha ang kanyang cellphone.
"San pupunta?" Bulong ko kay Kazel na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.
"Sa RMV bar-"
"Ha?" As in nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit? Wag mong sabihin na hindi ka sasama?" Nagtatampo na agad ang tono nya.
"Ano naman gagawin don?" Inosente kong tanong.
"Malamang mag pa-party!" Singit ni Jassy na para bang ang tanga-tanga ko at hindi ko yon alam. "Sumama ka na para masaya."
Ugh. May magagawa pa ba ko?"O-Okay."
"Great!" Si Kazel.
"Okay na, naka-reserve na raw yung VIP Room para satin," Si Ruwesha, sabay tingin sa relos nya. "Ano tara na? Sakto 6:30 andun na tayo?"
Sumang-ayon naman ang lahat kaya tumayo na kami para umalis.
"Ruwesha, pasabay ako sainyo, ha?" Si Heduey na nag pacute pa sa kaibigan.
"Tse! Dun ka sa kuya mo sumabay."
"Luh! Ang ingay mo naman! Ayoko ron ang sungit-sungit. Sainyo na lang ni Brex ako sasabay please?"
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Fiksi RemajaRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...