Kabanata 53
Happy birthdaySeptember 22. Excited ako dahil ito ang magiging kauna-unahang birthday nya na kasama akong makakapag celebrate.
"Salamat, iha ha? Sa pag tulong sakin mag prepare para sa birthday ni Ace"
"Naku. Tita wala po yon. Actually ay excited nga po ako eh. Ngayon lang po ako makakasama sa birthday celebration ni Raizer"
"oo nga, iha. Sobrang saya ko at andito ka ngayon, I'm sure ganon din si Ace"
Ngumiti ako ng malaki sakanya.
"by the way, yung family mo? Anong oras sila darating?"
"Mga 7 pm po. After work po ay dito daw po sila dederetso"
"Good, good- oh' sya. Aakyat lang ako para gisingin si Ace nang makapag breakfast na tayo-"
"Sandali po tita?"
"Ahm? Ano yon iha?"
"o-okay lang po ba na ako na ang gumising sakanya?" Nahihiya kong tanong
"Sure. Sigurado matutuwa si Ace kung ikaw ang gigising sakanya" masaya nitong sabi "mag titimpla na tuloy ako ng kape natin"
"sige po"
Masaya kong kinuha ang paper bag na may lamang couple hoodie na syang regalo ko sakanya. Wala na kase ako maisip eh. Tutal ay kakailanganin nya ito kapag naka sakay sya sa motorcycle nya, para may proteksyon sya sa init, saka parang yakap-yakap ko sya kapag suot nya 'to. Yiiiieeee!
Paulit-ulit akong kumatok sa pintuan ng kwarto nya pero mukhang masarap ang tulog nya. Hindi yata nya ko naririnig?
"R-Raizer? Ako to-"
Hindi ba nya ko naririnig? Sinubukan kong ipihit yung doorknob. Napangisi ako ng mapag tantong bukas naman pala ito. Kaya dahan-dahan ko itong binuksan at dahan-dahan akong humakbang papasok rito sa loob ng kwarto nya. Nadatnan ko syang mahimbing paring natutulog sa kama nya.
Hay! Ang sarap-sarap nyang pag masdan kapag natutulog. Para syang mabait na anghel. Hehe! Halos mapatili ako ng bigla ay hilahin nya ang braso ko pahiga roon sa tabi nya at nang ikulong nya akong bigla sa mga bisig nya.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...