Kabanata 48
Ex-boyfriend"because two years without you is like a torture for me"
"because two years without you is like a torture for me"
"because two years without you is like a torture for me"
"because two years without you is like a torture for me"
Halos araw-araw nag paulit-ulit iyan sa pandinig ko. For him, two years without me is like a torture? But he doesn't know that two years is like a hell for me.
Sa mga sumunod pang mga araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan sya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Red sa tabi ko, habang palabas kami ng classroom. Katatapos lang ng morning class namin at kami na lang rin ang narito "ilan araw ko nang napapansin na parang tahimik ka. May problema ka ba?"
Hindi ko dapat ipakita sakanyang problemado ako, ayokong mag alala sya sakin, kaya nag angat ako ng tingin sakanya at pinilit syang ngitian. Napahinto kaming parehas sa pag lalakad.
"W-Wala no. Don't worry, I'm okay"
"Eh' bakit ang plastik ng ngiti mo?" Pag tataas nya ng kilay sakin
"ha? Hindi ah!" I looked away
Napatalon ako sa gulat ng hawakan nya ang mag kabilang pisngi ko at nang bahagya nyang i-strength ang dalawang gilid ng labi ko.
"Ang cute cute mo kaya kapag ganito kalaki ang ngiti mo" sya nga itong ang laki-laki ng ngiti
"ah' ganon?" Ginawa ko rin yung ginawa nya. Hinawakan ko ang mag kabilang pisngi nya at ni-strength rin ang gilid ng labi nya "mas bagay sayo"
"Mas bagay tayo"
Naramdaman kong umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa pisngi ko. Natataranta kong binawi ang kamay ko at hinawi ang kamay nyang nasa mag kabilang pisngi ko.
"Tss!" I looked away "Tara na nga, nagugutom na ako"
Pumihit ako para mauna na sana sa pag martsa pero agad rin akong natigilan ng bumungad sakin ang isang pamilyar na lalaking kunot-noong nakatingin samin. Nag simulang kumalabog ng malakas at mabilis ang dibdib ko. What is fucking doing?
Naramdaman kong natigilan rin si Red.
"Ace?" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Tumakbo ito palapit kay Raizer. Tinapunan ko ng tingin ang kamay nyang agad na kumapit sa braso nito "nag lunch ka na ba?"
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...