Kabanata 32
You are my happiness*Kriiiiiiing!*
Naalimpungatan ako isang araw nang biglang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Agad kong tinignan kung sino iyong tumawag.
Raizer Ace is calling..
Nanlaki agad ang mga mata ko at napabalikwas ako ng bangon.
"Oh my gosh!" Ni-clear ko muna ang lalamunan ko bago ito sinagot "H-Hello?"
"Good morning honey"
Napalunok agad ako sa malambing nyang pambati sakin.
"G-Good Morning" mahina kong sagot. Medyo nagulat pa eh' bat ba?
"Honey, let's meet?"
"Ha?"
"Let's meet" pag ulit nya "susunduin kita before lunch"
Napatingin ako sa orasan na andito sa kwarto. 9:47 am na.
"S-San tayo pupunta?"
"Let's go on a da-date" masaya yang sagot
"Date?"
"Yup. First date as a couple"
Uminit bigla ang pisngi ko. Hindi ko na nagawang sumagot pa. Nanuyo ang lalamunan ko.
"Still there honey?"
"Ha?" Ang oa ng reaksyon ko, promise! "o-oo, oo!"
"Sige na, ibababa mo na'to para makapag ready ka na. See you later. I love you"
Bumilis na naman bigla yung kabog ng dibdib ko.
"S-Sige"
"I said, I love you honey" aniya
Shit!
"I love you too, bye!" Sabi ko at mabilis ng pinatay iyung linya
Napahawak agad ako sa dibdib kong mabilis parin ang kabog. Grabe, ganito talaga katindi ang epekto nya sakin.
Nag mamadali akong nag halugkat ng maisusuot na damit sa kabinet ko. Tulad ng sabi nya ay ito ang unang date namin as a couple, dapat lang na maging maganda ako sa paningin nya. Baka mamaya, ako nga yung kasama nya pero yung mga mata naman nya andun sa ibang babae. Tss! Hindi yon pwede no! Mabilis akong naligo ng makapili na ako ng maisusuot. Isang black simple dress with colar ang napili akong isuot and nike white shoes.
Biglang bumakas ang pinto at iniluwal nito si Michylaine.
"Aalis ka ate?" She asked
"Oo" maiksi kong sagot, habang ni-boblower ko ang aking straight na buhok
"May date ka?" Napangiwi agad ako. Tsismosa talaga 'to!
"Basta-"
"Gusto mo ba ayusin ko yang buhok mo?"
Kuminang agad ang mga mata ko. Pag dating sa pag h-hairstyle ay talagang idol ko ang kapatid kong ito. Walang duda ang talent nya pag dating rito.
"Oo ba! Yung maganda ha?"
"Oo naman, ako ng bahala. Trust me"
Bakit? Si Raizer ka ba para gamitin ang salitang 'Trust me' tss!
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Fiksi RemajaRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...