Kabanata 2
Freshmen
*Toktok!*
Nagising ako sa sariling ulirat dahil sa malakas na pag katok na iyon sa pintuan.
“Ate, pinapatawag ka ni mama, sumabay ka na daw samin sa pag kain—”
“Hindi na, busog pa ko.” Tamad kong tugon kay Mitch. Bunso kong kapatid.
“Pero sabi ni mama, pilitin daw kita.”
Napairap na lang talaga ko sa kawalan. “Fine, pasabi susunod ako, may gagawin lang ako saglit.”
“Okay—ma, susunod daw si ate.” Narinig kong sigaw nya mula sa labas.
Mabilis kong kinuha sa aking bag ang isang gunting at saka ako tumayo sa harapan ng salamin. Mariin kong tinitigan ang aking sarili sa harapan ng salamin na iyon. Ang mapungay at double eyelid kong mga mata, ang maliit at matangos na ilong, ang manipis at mapulang labi. Ang may kalaliman na dimples. Ang maitim, mahaba at straight kong buhok. Ang katamtaman na puti kong kutis at ang payat kong pangangatawan na noon ay medyo chuby. Aaminin ko, hindi naman ako sobrang ganda tulad ng iba pero masaya na ako noon sa sarili ko dahil alam kong may Xander na nag mamahal parin sakin kahit na mas madaming babaeng mas higit sakin, pero ngayon wala na sya, kaya yata pati pag mamahal ko sa sarili ko ay nawala na rin. Sinimulan ko na ang pag gupit ng aking full bangs. Kasama ito sa magiging pag babago sakin. Pag katapos ay bumaba na ko sa dinning table para sumabay sa pag kain nila. Binaliwala ko ang pag kalaglag ng panga nila ng maupo na ako sa tabi ni kuya Gio.
“Anong nanyare dyan sa buhok mo?” Tanong ni mama sakin.
Talagang hindi nya natiis ang mag usisa. Agad akong nag angat ng tingin sakanya.
“Para po walang makakilala sakin sa school.” Simple kong sagot.
“Sigurado ka na bang sa CSU mo ulit gustong mag enroll?”
“Yes pa—”
“Pero marami naman ibang Unibersidad dito, kung gusto mo sa ibang—”
“No pa, nakapag desisyon na po ako, saka...” Deretso ang tingin ko sa seryosong si papa, habang sa gilid ng mga mata ko ay ang pagtunganga nilang lahat sa akin. “…saka, gusto ko pong mag B.S Architecture.”
“Ano? Hindi ba ay nursing na ang naunang kursong kinuha mo?” Singit ni mama.
“Pero ma, yun po ang gustong course ni Xander—”
“Pero anak, wala na si Xander at hindi mo dapat ibase sakanya yung kursong kukunin mo.”
“Nakapag decide na po ako, yun po ang gusto ko.”
“Hindi ako makakapayag dyan—”
“Kung hindi nyo po ako papayagan mabuti pa pong bumalik na lang ako sa La Union at wag nang ituloy ang college.” Pagmamatigas ko.
“Safia!” Tumaas ang tono ni mama.
“Hayaan na lang natin sya Grace.”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni papa.
“Pero Michael—”
“Okay, sige Safia kung yan ang gusto mo.” buntong hininga ni papa.
Matapos kumain ay agad akong dumiretso sa kwato namin ni Mich. Share parin kaming dalawa dito sa kwarto tulad noon, pero hindi na kasing saya ng dati ang kwartong ito.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...