Kabanata 3

731 27 1
                                    

Kabanata 3
Miss Headphones

First day of school, pero ni konting excitement wala talaga akong maramdaman. Nag tungo agad ako sa classroom namin. Hindi naman ako naligaw dahil kabisado ka na rin itong Architectural building. Sa pinaka unang row ako naupo, dahil isa lang ang nakaupo rito kumpara sa last row na halos pag kumpulan ng mga bago kong ka-klase.

“Mabuti naman at may makakatabi na ako rito.” Sabi ng babae sa tabi ko.

Halatang ako yung tinutukoy nya, mukhang gusto nyang makipag kilala sakin pero binaliwala ko lang yon. “Hi, ako nga pala si—”

Hindi ko na narinig ang pangalan nya dahil inilagay ko na sakin tenga yung head phones ko na kanina lang ay nakasabit sakin leeg. Andito ako ngayon sa college, dahil kelangan kong mag aral hindi dahil gusto ko, at lalong hindi para makipag close at makipag kaibigan kahit kanino. Halos 30 minutes ang lumipas bago may pumasok na professor sa classroom namin. Agad kong tinanggal ang head phones sa tenga ko at muling isinabit yon sakin leeg.

“Good morning, BSA-1B?” Tanong nang professor na yon.

"Good morning ma’am.” Pag kumpirma ng buong klase, except yata sakin.

Napatunganga ang lahat ng humagikgik ng mahina iyung teacher namin.

“Well, hindi nyo ako teacher. Ako si ate Andrea Salvez nyo, isang 3rd year student at student's council.” Pakilala nya sa kanyang sarili. So, yon. Estudyante parin pala sya tulad namin. “Bilang ito ang first day nyo, andito ako para mag bigay ng isang announcement para sainyong lahat. Dito sa College of Architectural, nag i-start ang first day ng mga freshmen sa isang seminar. Kaya pupunta kayong lahat ngayon sa gymnasium, kung saan gaganapin ang halos 1 hour seminar natin, at yung seminar na yon ay pangungunahan naman ng ating U-Prince Ambassador.”

"U-Prince Ambassador? Ano yon?" Tanong ng kung sino.

“Well, ipapaliwanag rin yan sa seminar, kung ano nga ba ang U-Prince Ambassador, kung ano ang role nya at kung sino nga ba sya.”

“Sabi ng ate ko, gwapo daw yung mga U-Prince.” Wila ng isa kong ka-klase na halatang kinikilig pa.

Muling humagikgik itong student's council. “Isa na rin yon sa mga katangian nila,” Napangiwi ako ng mabalot ng tilian ang buong classroom. “Oh sya, hintayin namin kayo sa gymnasium. Required kayong mag punta roon dahil may attendance tayo. See you 1-B.” Kumaway pa ito bago tuluyang lumabas ng aming classroom.

Nag buntong hininga ako at sumunod na sa mga ka-klase ko patungo sa gymnasium, suot ang aking bag at head phones. Pag dating namin roon ay marami na agad estudyante, halos mapuno na ang gymnasium ng department namin sa dami ng freshmen ngayon. Naupo ako sa tabi ng mga bago kong ka-klase na hindi ko pa nakikilala at wala naman din akong balak na kilalanin.

“Good morning freshmen.”

Agad kong tinanggal ang aking head phones sa tenga ko at isinabit ito sa aking leeg, dahil mag start na ang seminar.

“I'm Andrea Salvez, student's council,” Panimula nung estudyanteng kumausap rin samin kanina. “Yung ibang section sainyo na meet ko na kanina. But anyways, andito kayong lahat ngayon para sa ilang mga announcement, pero bago yon ipapakilala ko muna sainyo ang ating U-Prince Ambassador.”

“U-Prince Ambassador? Ano yon?”

“Yan yata yung kinukwento ng mga pinsan ko. Mga gwapo daw yung U-Prince.”

Napuno ng bulungan at tanungan ang buong gymnasium. Lahat ay curious sa kung ano ang ibig sabihin ng U-Prince. Syempre hindi ako kasama sa mga curious dahil noon pa man alam ko na ang ibig sabihin non.

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon