Kabanata 1

998 32 2
                                    

Kabanata 1
We love you

"Nangako ka na pupunta ka ngayon dito sa bahay, diba?!" Hindi ko mapigilan ang galit na namumuo sa dibdib ko.

"Sorry, babe. Bigla kasing nag-aya yung mga pinsan ko dito sa bar—"

"So, inuna mo pa talaga yang pag babar nyo?" Nanginig sa galit ang boses ko

"Babe, naman, alam mo naman minsan lang sila mag-aya." Kalmado nyang paalala sakin.

Alam ko naman yon, pero ang point ko kase, nangako sya eh! Nangako sya!

"Oh, baka naman may ibang babae riyan kaya hindi ka makaalis?!"

"Babe naman"

"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!"

"Okay, tatakas ako dito para mapuntahan ka."

"Wag na, matutulog na lang ako. Ingat and enjoy na lang!" Sarkastiko kong sabi at mabilis syang pinag babaan ng telepono.

Panay ang sulyap ko sakin cellphone. Kainis! 30 minutes na kase simula nung huli namin pag uusap pero ni isang text wala akong natanggap sakanya. Bwesit! Sa totoo lang galit ako pero gustong-gusto ko syang tawagan para mag kaayos na kami.

*Kring!*

Mabilis kong dinampot ang cellphone ko. Agad kuminang ang mga mata ko nang makita ko kung sino yung tumatawag.

Babe is calling....

Halos mapatalon ako sa tuwa ng makita yon. Bahagya akong umubo para ilagay sa kondisyon ang tono ang boses ko, nang sa gayon ay hindi nya mahalatang kinikilig ako.

"Oh, bakit?" Kunware nag tataray pa ang peg ko.

"H-Hello? Hello po?"

Kumunot ang noo ko ng ibang boses ang marinig ko mula sa kabilang linya. "Hello? Sino to? Asan si Xander? Bakit nasayo ang cellphone ng boyfriend ko?!" Tumaas agad ang tono ko.

"Hello ma'am? Boyfriend nyo po ba yung may-ari nitong cellphone?"

Ewan! Pero nagsimula na talagang kumalabog ng malakas ang dibdib ko.

"O-Oo, teka nga sino ka ba? Bakit nasayo yang cellphone nya? Asan sya?!" Pumiyok ang boses ko.

"Kayo po kase yung nasa last call log nya saka babe po kase pangalan nyo dito kaya kayo yung tinawagan—"

"Sagutin mo ang tanong ko. Asan sya?!" Shit! Naiiyak na ko.

"Bumangga po yung minamaneho nyang motor sa truck—"

"A-Ano?" Naguguluhan kong tanong. Nahihirapan akong iproseso lahat ng yon sa utak ko. "A-Anong sabi mo?"

"Mabuti pa po mag punta na lang kayo ngayon dito sa Vergara highway, parating na rin po yung ambulansya."

Halos mabitawan ko ang cellphone'ng hawak ko, dahil sa sinabing yon nung babaeng nasa kabilang linya. Mabilis akong nag tungo sa lugar na nasabi nya. Mabilis akong nakarating dahil halos sa kabilang kanto lang namin yon. Honestly, walang ibang tumatakbo ngayon sa isip ko kundi sana ay joke lang itong lahat. Hindi ako magagalit kung prank lang lahat ng 'to. Kaso, mukhang Hindi ganon ang nanyayare. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Sobrang takot ang naramdaman ko dahil sa mga nag kakagulong taong nadatnan ko roon.

"Excuse me."

Nawala ako sa sariling ulirat. Namalayan ko na lang yung sarili ko na nakikipag siksikan na roon sa mga tao. I swear, parang jelly'ng nanlambot ang mga tuhod ko. Nanlamig ang buong katawan ko, habang pinag mamasdan ko si Xander na nakahandusay roon sa sahig at puno ng dugo.

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon