Kabanata 38
AcerMatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na rin ako ng restroom. Panay ang buntong hininga ko, habang nag mamartsa ako mag isa sa loob ng campus.
"I want to see him" bulong ko sa kawalan
Biglang nag liwanag ang mukha ko ng matanaw ko si Raizer roon sa car park. Nakapamulsa ang dalawang kamay nya, habang nakasandal sa mismong motor nya. Bakit parang alam na alam nyang gusto ko syang makita?
Walang pag aalinlangang akong nag martsa palapit sakanya na may malaking ngiti sa labi.
"Bakit andito ka? Akala ko ay may meeting kayo?" Masaya kong bungad sakanya
Napawi ang malaking ngisi ko ng harapin nya ko ng seryoso nyang ekspresyon.
"M-May p-problema ba?"
Imbis na sumagot sa tanong ko ay deretso lang nya kong tinignan sa mga mata gamit ang seryoso parin nyang ekspresyon. I swear, I didn't want the way he looked at me right now.
"What's wrong? Hindi ba natuloy ang meeting nyo?"
Hindi parin sya sumagot. Nakatingin lang sya sakin ng deretso na para bang sa napaka walang kwentang bagay lang sya nakatingin. Damn it!
"Ano ba!? Bakit hindi ka man lang sumagot dyan?" Nag sisimula na talaga akong mainis!
"Do you still, want him back?" Walang kagana-gana nyang tanong
"what?" Naguguluhan kong tanong pabalik sakanya. Parang hindi nag sisink in sa utak ko yung sinabi nya
Umayos sya sa pag tayo at hinarap ako "You're still into him, right?" Kalmado parin nyang sabi. Pero, honestly mas kinakabahan ako kapag ganito sya ka-seryoso.
"A-Ano ba yang s-sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong
"totoo, hindi ba? Na hanggang ngayon si Xander parin?"
"A-Ano ba yang p-pinag sasasabi mo?"
Bumuntong hininga sya at nanginginig ang kamay na nilaro ang pang ibabang labi bago nag salita.
"N-Nag punta ako sa classroom nyo k-kanina. N-Nadatnan kita na may kausap na babae at s-si Xander ang pinag uusapan nyo"
Shit! Kung ganoon ay andoon pala sya kanina nung kausap ko si Xyra?
"Kung ganon ay andun ka pala?"
"O-oo, at n-narinig ko ang sinabi mo na h-hanggang ngayon ay mahal mo pa s-si Xander" kinurot ang puso ko ng mag simula nang manginig ang boses nya
"honey, it's not want I mean-"
"so, what do you mean by that!?" Napatalon ako sa sigaw nya "I'm your boyfriend, but you still want him back? So, ano ba talaga ko sayo!?"
Namutla akong bigla ng makita ang pag pula ng mga mata nya. Napako ang tingin ko sakanya. Hindi ko alam kung paano ako mag re-react dahil hindi ko rin alam kung bakit sya nag kakaganito.
"A-Alam mo naman k-kung ano ka s-sakin, hindi ba?" Pumiyok ang boses ko. Ramdam ko na ang pag init ng gilid ng mga mata ko
"yeah right!" Isang sarkastikong ngisi ang ibinigay nya sakin "alam mo ba sa tuwing naririnig ko ang pangalang 'Xander Alcantara' isa lang ang naiisip ko? Na ako si Raizer Ace Gelacio, ang substitute ni Xander Alcantara as a U-Prince. Kahit nga yung papa mo, yun ang tingin sakin hindi ba? KAPALIT LANG NI XANDER!" May diin ang pag kakasabi nya sa apat na huling salita. Gumaralgal ang boses nya. Senyales ng pag pipigil nya ng luha
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...