Kabanata 16
Long time no seeSa kwarto ako dumeretso pag-uwi ng bahay. Ako pa lang ang andito ngayon sa bahay, dahil 5pm pa ang uwian ni Mich at 6 pm naman si mama, papa at kuya. Nag bihis muna ako at naidlip. Kinusot ko ang mga mata ko at agad hinahilap ng kamay ko ang aking cellphone. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong 5:13 na pala ng hapon. Ang haba ng tulog ko!
Bumangon ako at binuksan ang aking kabinet. Napa face-palm ako ng maalalang hindi ko nga pala natanong kay Lawrence kung ano ba ang dapat kong isuot, kung pwede na ba yung pants o kelangan naka pormal attire pa? Tss! Pwede na siguro yung simple dress. Naligo muna ko, pagkatapos ay nag patuyo na ng buhok. Isang simple navy blue long sleeve dress ang sinuot ko, saka ko ito tinernuhan ng black sandals na may maliit na takong. Iniayos ko rin ang aking buhok, ipinusod ko ang kalahati nito, habang nakaladlad naman ang kalahati nito at ganon din ang aking bangs. Nag pulbos, blush on at lipstick lang ako, matapos non ay bumaba na rin ako.
"Oh, may lakad ka yata Safia?" Tanong ni mama. Nakauwi na sila dahil 6:40 pm na pala.
"Naku, may date yata si ate—"
"Wala no!" Depensa ko. "Pupunta po ko sa birthday ng ka-klase ko." Paalam ko.
"Oh, ganon ba? Sinong ka-klase? Wag ka masyadong mag papagabi. Susunduin ka ba, dito?" Daming tanong ni papa.
"Hindi po, sabi ko ako na lang ang pupunta roon—"
"Ako nang mag hahatid sayo, kesa mamasahe ka pa." Presinta ni kuya.
"Oo nga naman, mag pahatid ka na sa kuya mo." Si mama naman.
"Opo, sige po."
"Okay, Tara na ba?"
"Sige, tara na kuya—una na po muna ko."
"Mag iingat kayo." Si mama.
"Opo."
Tahimik akong naupo sa front seat. Nabasag lang ang katahimikan ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Pres. Lawrence is calling..
"Hello?"
"Hasan ma na? We're waiting for you."
Whaaa—wait? Sino-sino mga naghihintay sakin? Sino ba mga bisita nya? Ine-expect kong invited yung mga kaibigan nyang taga manila pero hindi ko ine-expect na invited rin pala yung mga ka-klase namin? Shit! Gusto ko na yatang umatras.
"H-Hello? Safia, andyan ka pa ba—"
"Yeah, I'm on my way."
"Good, hintayin kita rito sa labas ng bahay namin."
"Okay, see you."
Ilan minuto pa ay narating narin naman ang subdivision nila.
"Saan dito?" Tanong ni kuya.
"Kanan, tapos pangalawang bahay raw—doon." Turo ko.
"Dito na ba?"
"Oo, dyan sa itim na gate."
Mula rito sa loob ng kotse ay kita ko agad si Lawrence na nakadungaw samin. Agad nya akong sinalubong at pinag buksan ng pintuan.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...