Kabanata 51
Yes, I willAng laki-laki ng eyebags ko ng sumunod na araw. Paano ba naman kase ako makakatulog sa kabila ng mga nalaman ko?
Nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit ako sa buong mundo.
"Ate? Hindi ka ba kakain? Mag lu-lunch na, ah?" Tanong ni Michylaine. Sabado kase ngayon kaya eto ako at nag kukulong lang sa kwarto.
"Mamaya na lang" tamad kong tugon sakanya
*Kriiing*
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang mag ring ang cellphone ko. Nag simulang kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng makitang hindi nakasave iyong number. Si Raizer kaya itong tumatawag?
"H-Hello?" Kabado ko itong sinagot
"Hello, Safia?"
I know him "A-Axel?"
"Oo, ako nga" pag kumpirma nya "hiningi ko yung number mo kela Kazel. Invite sana kita mamaya sa pa-despedida ko, sa RMV Bar. Sana makapunta ka" mahaba nyang sabi. Bihira to ah?
"Ah. Ganoon ba?" Paano naman kaya akong makakatanggi? Ngayon lang ako tinawagan ni Axel para personal na i-invite kaya nakakahiya naman kung hindi ako pupunta kahit alam kong andun rin mamaya si Raizer "o-okay, sige. Pupunta ko" sagot ko
"Salamat. Oh' pano? Tatawagan ko lang si Ruwesha. See you later"
Tumango ako kahit hindi naman nya ko nakikita "see you"
Maisip ko pa lang na mag kikita kami ni Raizer mamaya ay parang kinakain na ako ng kaba. Natatakot ako at nahihiya. Bakit kelangan masaktan ko muna sya dahil sa nga pag tataboy ko, bago ko malaman ang totoong mga nanyare?
Exactly 8 pm ng makarating ako sa RMV Bar suot ang isang white blouse na pinatungan ko ng fitted denim dress. Nalaman ko na nasa VIP room na sina Ruwesha at Kazel kaya napag desisyonan ko na hinintay na lang si Heduey para kami na ang sabay na pumasok sa loob. Nahihiya kase talaga ko, or should I say, natatakot ako dahil alam kong naroon si Raizer ngayon.
"Kanina ka pa?" Tanong ni Heduey
"Hindi naman. Kararating ko lang din"
"Tara na?" Ewan ko ba pero parang ang tamlay nya
Sabay namin nilandas ang daan patungo roon sa VIP room.
"Safia, Heduey?" Kinawayan pa kami ni Kazel ng matanaw na nya kami
Hinagilap agad ng mga mata ko si Raizer at doon sa tabi ni Liam ay nakita ko syang tahimik na nilalagok iyong beer. Mukhang kanina pa sya nag start uminom, kase mukha na syang lasing. Naupo ako sa tabi ni Ruwesha, habang si Heduey ay naupo sa tabi ni Kazel sa tapat ko.
"Guys, may ni-invite nga pala akong kaibigan ko nung high school. Wala na akong time para makipag kita pa sakanila kaya pinapunta ko na rin sila ngayon. Dalawa lang naman sila" pag hingi ni Axel ng pahintulot samin
"okay lang yan, para mas masaya" sagot ni Brex
"oo nga, oh' eto na pala sila"
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...