Kabanata 47

699 22 2
                                    

Kabanata 47
Babalik ka sakin

Isang buwan pa ulit ang lumipas. Madalas ay napapansin ko si Raizer na nakatayo at nakamasid rito sa classroom namin. Alam kong hindi lang iyon nag kakataon at lalong hindi lang iyon imahinasyon, dahil ilan beses na rin syang nag attempt na kausapin ako, hindi lang talaga natutuloy dahil biglang sumulpot si Red o kaya si Camerla.

"Safia? Gusto mo bang mag join samin ng mga kaibigan ko? Nag aaya kase silang kumain sa mall" aya ni Red sakin nang matapos na ang morning class namin

"Naku! Wag na, nakakahiya naman"

"Kung ganon ay hindi na lang ako sasama sakanila-"

"sumama ka na" biglang sabi ko "Minsan  lang mag aya yung mga kaibigan mo, hindi ba?"

"eh' pano ka?" Talagang concern sya sakin

"kasabay ko naman si Heduey" ngumisi ako sakanya

"are you sure?"

"of course! Sige na tumuloy ka"

"Okay, sabi mo eh!" Kumindat-kindat pa sya sakin "see you, later"

Sa totoo lang ay half day lang ang klase ngayon ni Heduey, kaya malamang ay pauwi na sya ngayon sa bahay nila. Kaya siguro ay tatambay na lang ako sa rooftop at mag uubos ng oras roon, tutal ay hindi naman ako nagugutom.

At eto nga. Nasa rooftop na ako. Huminga ako ng malalim at dinama ang hanging dumadapo sa mga balat ko. More than two years na rin simula nung huli akong makapunta rito. Ang dami-dami tuloy mga alaalang bumabalik sakin.

"Hay! Ang payapa talaga rito" sabi ko sa kawalan

Naupo ako roon sa gilid, niyakap ko ang mga tuhod ko saka ako dumukdok roon. Ilan minuto rin akong nanatili s ganon posisyon. Halos makatulog na ako, hanggang sa maramdaman kong may kung sinong nag lagay ng headphones sa tenga ko kaya napaangat agad ako ng ulo.


Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!


Nanlaki talaga ang mga mata ko, kasabay ng pag kalabog ng mabilis ng dibdib ko nang maaninaw ko ang seryosong mukha ni Raizer na halos dalawang dangkal lang ang layo sa mukha ko. Deretso syang nakatingin sa mga mata ko, gamit ang mapupungay nyang mga mata, habang ang dalawang kamay nya ay nanatiling nakaalalay sa headphones na nakalagay parin sa mag kabilang tenga ko.

"Namiss mo ba ang lugar na'to?" Mahinahon nyang tanong

"Anong ginagawa mo?"

Wala sa sarili kong hinawi yung dalawang kamay nya. Parehas kaming nagulat sa nagawa ko. Inilapag ko yung headphones sa sahig, isinuot ko ang aking bag at mabilis na tumayo.

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon