Kabanata 33

809 28 3
                                    

Kabanata 33
Special Guest

"Kamusta ang date mo ate?" Bungad ni Mich ng sumunod sya sa kwarto namin

"Ayos lang" masaya. Sobrang saya!

"Gano na pala kayo katagal ate?"

"Hmmm" bahagya akong napaisip "5 days bakit?"

"5 days?" Gulat nyang sabi "Kung ganoon ay may 2 days ka na lang pala?"

"Ha? Anong 2 days?"

"2 days bago kayo mag break" pag tataas nya ng kilay sakin. Agad ko naman syang binatukan "aray! Ate ano ba?"

"Anong 2 days bago kami mag break? Siraulo ka!" Galit kong sabi

"eh' kase nga sabi nung classmate kong ex-girlfriend nya, hanggang pang one week relationship lang daw iyon si Raizer Ace Gelacio. Malamang alam mo rin yon- aray! Ano ba!" Binatukan ko ulit sya

"hindi na sya ganon ngayon no!"

"Paano mo nasabi?"

"Dahil ramdam ko!"

"So, sya na talaga ang mahal mo at hindi na si kuya Xander?"

Natigilan akong bigla sa tanong nya. Mahal ko na si Raizer, pero kahit wala na si Xander hindi ko parin sya kayang kalimutan pati yung naging relasyon namin. Pag tataksil ba yung tawag don?

"Ate?"

"Tigilan mo na nga pangingialam sa love life ko!" Sigaw ko sakanya na mukhang ikinagulat pa nya

"s-sorry"

"okay lang, sige maliligo muna ko" mabilis kong kinuha ang twulya para maligo

Matapos kong maligo ay nag patuyo muna ako ng buhok saka ako nahiga at nakinig ng music gamit iyung headphones na regalo ni Raizer.

Kinabukasan..

"Good morning everyone!" Ang ganda-ganda talaga ng gising ko

"Wow! Good mood ka ngayon, ah?" Si kuya Gio

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon