Kabanata 20

757 32 7
                                    

Kabanata 20
Confess

Mag sisimula na sana ako sa pag subo ng biglang sumulpot sa mismong harapan namin ang hinihingal pang si Raizer! As in, yung hingal nya parang galing pa syang Cavite.

"T-Talagang wala kayong balak hintayin ako, no?" Hinihingal na madaldal parin?

"Akala ko ba kasama mo yung newbie mo?" Nang aasar ang tono ni Brex.

"Tangina! Selos ka na naman?" Malaki ang ngisi ni Raizer at naupo na sa tabi ni Axel sa mismong harap ko. Leche!

"Bugok!" Natatawang sagot ni Brex. "Dun ka na sa newbie mo."

Natawa naman si Ruwesha, Kazel at Liam sa panonood kay Raizer at Brex, habang nakangisi lang si Axel na napapagitnaan nilang dalawa, at ako? Wala lang. Walang ekspresyon.

"Wag ka nang mag selos dyan. Andito na nga ako, oh? Mas pinili ko na nga kayong makasabay mag lunch kesa sa Johara'ng yon-"

"Kami ba talaga yung gusto mong makasabay mag lunch o..."

Binigyan sya ng mapanuksong tingin ni Axel. Bakas ang gulat sa naging reaksyon ni Raizer. Saglit syang napatingin sakin pero agad din nya yon binawi at saka sya tumawa ng malakas.

Abnoy.

"Tangina naman Quirrez! Andyan ka pala? Kasama ka pala namin?" Pilit ang naging tawa nya. Sinamaan naman sya ng tingin ni Axel.

"Hindi pa kase tapos yung sinasabi ko! kami ba talaga yung pinunta mo dito o-"

"Hep!" Pigil nya kay Axel na itinaas pa ang kanyang kanang kamay. "Alam mo ikaw, minsan ka na nga lang mag sasalita, sablay pa!" Inis nyang sabi. "Malamang kayo yung ipinunta ko dito, sino pa nga ba?!"

"Ah," tatango-tangong sabi ni Axel. "Akala ko pa naman isa lang pinunta mo rito-"

"Ha!" Singhal nya. "K-Korni na masyado Quirrez," Lumikot ang mga mata nya. "Sino pa bang pwedeng maging dahilan nang pagpunta ko rito?!"

"Anong sino?" Nagtatakang tanong ni Axel sakanya. "LIBRE. Yun ang ibig kong sabihin, na baka libre ang ipinunta mo rito at hindi kami."

"Ah, yun ba? Akala ko kung ano." Napapahiya nyang sabi.

"Bakit ano bang iniisip mong sasabihin ni Quirrez? Na si Safia ang ipinunta mo rito?"

"Huk!" Halos masamid ako sa sinabi ni Liam. Bakit pati ako nasali sa biruan nila? Leche!

Uubo-ubong kong kinapa ang mineral bottle sa lamesa, pero laking gulat ko ng makitang mabilis itong dinampot ni Raizer, saka binuksan at natatarantang iabot sakin.

"Oh! Inumin mo dali!" Natataranta talaga sya.

Nagkusa naman ang kamay ko sa pagtanggap non at mabilis iyon ininom.

"Are you okay?" Rinig kong tanong ni Kazel.

"I'm okay." Sagot ko ng matapos na ko sa pag inom.

Mabilis kong pinunasan ang basa kong labi gamit ang aking kamay. Nagulat ako paglingon ko ay nagtama agad ang mga mata namin ni Raizer. Hanggang sa bumaba ang tingin nya sa basa ko pang labi. Uminit ng husto ang pisngi ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko, kaya dali-dali kong Iniyukom ang labi kong naka half open pa. Nakita kong napalunok sya at walang ano-ano'y tumayo sya sa kanyang pag kakaupo.

"Oh, san punta mo?" Si Brex.

"O-Order." Tugon nya na hindi man lang kami tinignan.

Walangya! Manyak talaga. Damn it!

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon