Kabanata 9

665 24 0
                                    

Kabanata 9
Ikaw?

Sa wakas after a few minutes ay natapos din kami.

"Thank you for your time." Usal Lawrence na muli pang nag lahad ng kamay na agad naman tinanggap ni Raizer.

"Welcome, it's my responsibility to help my own department, especially sa inyung mga freshmen."

Pwe! Napaka plastik talaga.

"Galingan nyo sana sa research nyo."

Napatunganga ako ng bigla syang mag lahad ng kamay sa harapan ko. Whawait! Ano 'to? Seryoso ba sya? Ako? Gusto nyang makipag shake hands sakanya? Bakit? Grrr! Hanggang dito ba naman pakitang tao parin sya?

"Uy!"

Kumunot ang noo ko ng maramdaman ko ang mahinang pag siko ni Lawrence sakin.

"Bakit?" Nasabi ko ng wala sa sarili at napilitan na lang tanggapin ang kanyang kamay.

Ang lambot ng kamay nya. Yan lang talaga ang nasa isip ko ng mag kamay kaming dalawa.

"Good luck sainyo." Pahabol nya bago namin nilandas ni Lawrence ng sabay palabas ang student's council room na iyon.

Bumait ba sya dahil na gu-guilty sya? Dahil iniisip nya sya ang dahilan ng muntikan kong pag talon o nag babait baitan na naman sya?

Halos isang oras pa ulit akong tumambay sa rooftop bago ako nag desisyon na umuwi na. Tulad ng araw-araw kong ginagawa nag lakad ako palabas ng campus na mag isa at nag abang ako ng jeep pauwi ng mag isa.

Oh my gosh!

Awtomatiko kong naiangat ang hawak kong bag para maitago ang aking mukha. Si Kazel. Nakita ko si Kazel Fei Liu, at hindi ko alam kung bakit ako nagtatago ngayon sakanya. Masaya akong makita sya at malaman na hanggang ngayon pala ay andito parin sya, pero hindi ko rin maiwasan malungkot dahil kahit nakita ko ulit sya at kahit alam kong nasa iisang campus parin kami ay wala parin akong balak na lapitan at mag pakita ulit sakanya. Ayokong ma-disappoint ko sya sa kung ano na ako ngayon. Dahil kahit saglit lang kami nag kasama ni Kazel noon. Halos ilan buwan lang yon pero para sakin ay tunay ko syang kaibigan, dahil sya yung huling nakasama namin ni Xander, bago nanyare ang lahat ng mga pag babagong ito. Pasimple kong ibinaba ang aking bag para masilip si Kazel, saka ko sya pinanood papalayo sakin. Nakakamiss lang. Sobrang nakakamiss lang talaga yung mga bagay na meron ako noon. Mababait na kaibigan at mapag mahal na boyfriend. Shit!Q

"Miss sasakay ka ba?"

Nangibabaw ang tinig ng isang lalake. Agad ko syang nilingon at don ko lang napansin ang nakahintong jeep sa harapan ko.

"Ha? O-Oo!"

Nagmadali ako sa pag akyat sa jeep. Mabuti na nga lang at hindi ba ito puno kaya hindi ko kelangan makipag siksikan.

"Paabot po ng bayad—"

Shit! Namilog ang mga mata ko ng abutin ni Raizer ang bayad ko. Deretso ang tingin nya sakin at wala man lang mababasang pag kabigla sa ekspresyon nya. Para bang hindi nya nakikilala kung sino itong nasa harapan nya. Sa dinami-rami talaga ng jeep dito pa sya nakasakay? Joke ba to?

"Ilan 'to miss?"

May nakita ka bang kasabay kong sumakay dito? Wala naman, diba? Edi, malamang isa lang. Ako lang. Wag kang tanga. Leche!

"Isa lang."

"Bayad daw po, isa lang." Narinig kong wika nya sa medyo may kalakasang tinig.

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon