Kabanata 14

695 23 2
                                    

Kabanata 14
Attendance

Kinabukasan...

Maaga akong bumangon at agad na humarap sa salamin para pag masdan ang aking sarili.

"Good morning Xander." Bulong ko sa sarili ko bago kinuha ang aking tuwalya para maligo.

Matapos kong maligo ay nag ayos lang ako ng konti at bumaba na rin para mag almusal. Tulad ng dati ay masaya parin namin pinag sasaluhan ng pamilya ko ang umagahan na luto ni mama.

"Mauna na po kong pumasok." Paalam ko ng matapos na kong mag breakfast.

"Maaga pa ah? Sumabay ka na samin, hahatid ko kayo ni Michylaine." Si papa, habang tinatapos ang pag kakape nya.

"Wag na pa, mapapalayo na naman kayo pag hinatid nya pa ko." Protesta ko. Ang CSU lang kase ang nalalayo sa way nilang lahat.

"Oh sya, sige mag iingat ka na lang."

Hindi man lang talaga ko pinilit. "Yes po—una na po ko."

Sinuot ko ang headset ko at pinatugtog ito, habang nag babyahe ako papunta sa CSU. Ilan minuto lang ay nakarating na rin ako sa school. Naglakad ako papasok sa gate, habang may headphones parin sa tenga. Napatalon ako sa biglang pag sulpot ni Lawrence sa harapan ko. Agad kong tinanggal ang headphones ko at hinarap sya.

"Good morning!" Hinihingal nyang bati sakin.

"Good morning," Tamad kong tugon. "Bakit hingal na hingal ka?"

"Kanina pa kase kita tinatawag pero hindi mo ko naririnig dahil sa headphones mo," Kinamot nya ang kanyang batok. "K-kaya t-tumakbo na ko papunta rito." Napapahiya nyang sabi.

Ganito ba talaga sya makipag kaibigan?

"Ganon ba?"

"Oo, tara?" Aya niya at nauna na sya sa pag martsa.

Syempre pag dating namin sa classroom ay kami na naman ni Lawrence ang bida sa usapan ng mga tsismosa namin'g mga ka-klase. Ewan ko ba, kung bakit parang hindi nila matanggap sa tuwing makikita nila kaming mag kasama. Dumating na si Mrs. Baccay at nag simula sa pag di-discuss, kaya na tigil na ang tsismisan nila.

"Next meeting, we have a quiz. 50 items, so I expecting nyo to study the chapter 4 to 6, understand?"

"Yes ma'am!"

"Good, then see you next meeting. Good bye!"

Mabilis kong iniayos ang gamit ko matapos ang klase na yon, hindi ko na kase kelangan pang pumasok sa susunod na subject dahil na credit ko na ang English I ko noong nag enroll ako sa B.S nursing.

"San ka pupunta?" Inosenteng tanong ni Lawrence.

"Lalabas muna ako, wala akong english, diba?" Sana nga lang napapansin nyang wala ako kapag English I at Filipino I na ang subject.

"Oo nga pala, pero bakit nga ba wala ka kapag english at filipino class?"

"Dahil na credit ko na sya ngayon, na take ko na kase yon last year."

"Last year?" Binigyan nya ko ng nag tatakang ekspresyon.

"Nag enroll na ko dati rito. B.S Nursing ang dati kong course, pero nag stop ako nung mag second sem na, ngayon lang ako nag patuloy sa pag aaral sa ibang course naman," Mahaba kong paliwanag at mukhang naliwanagan naman sya. "Sige na labas na muna ko—"

"Teka!" Tumindig ang balahibo ko ng hawakan nya ko sa braso. "Sabay naman tayo mag lulunch, diba?"

Nag kibit balikat ako. "Kung gusto mo."

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon