Kabanata 10

698 23 0
                                    

Kabanata 10
Do you like him?

"I-Ikaw?" He asked with full of frustrated. Binigyan ko lang sya ng nag tatakang tingin. "Ikaw yung—Teka, anong ginagawa mo rito? I-I mean, kanina ka pa ba r'yan? M-May narinig ka ba?" Sunod-sunod nyang tanong.

Hindi ko ma-explain ang ekspresyon na meron sya ngayon, basta mukhang tanga! Nag kibit-balikat lang ako sakanya at nag derederetso na papasok sa loob ng restaurant. Natanaw ko agad ang table namin at andun na ang mga order namin. Isa-isa nila akong tinignan ng makabalik na ako sakin upuan.

"Ma." Sabay abot ng cellphone sakanya.

"Salamat anak, ang tagal mo yata?"

"Ah, m-medyo nahirapan lang po sa pag hahanap." I lied. Ayoko na kasing ipaalam na may bwesit na nanggulo sakin.

"Sige na, kain na."

Sa gilid ng mga mata ko ay ang deretsong tingin ni Raizer sakin, na ngayon ay pabalik na rin sa table nila. Gusto ko syang tignan at sigawan dahil sa pagtitig na ginagawa nya sakin, pero mas minabuti ko na lang na wag syang pansinin. Nagsimula na rin ako sa pagkain at gusto ko na lang sana mag focus sa roon pero, bwesit! Hindi ko masyadong magawa yon, dahil hindi ko maiwasang mapatingin sa table ng mokong na yon. Paano nya nagagawang makipag date sa ibang babae kahit may girlfriend na syang iba? Tsk! Tsk! Tsk! Walang kwentang lalake.

"Bakit hindi ka kumakain, anak?" Narinig kong tanong sakin ni papa.

"Po?" Napatingin ako sa pagkain kong kanina ko pa pala nilalaro.

"Hindi mo ba nagustuhan? Gusto mo bang umorder ng—"

"H-Hindi pa, I mean, gusto ko. Masarap po."

Nag patuloy na lang ako sa pagkain at in-enjoy ang dessert. Noon pa man ay mahilig na talaga ako sa mga dessert, kaya naman sa tuwing mag da-date kami ni Xander noon ay hindi pwedeng mawala ang mga dessert. Hay! Hindi talaga mawala sa mukha ko ang ngiti sa tuwing maaalala ko ang magagandang memories namin dalawa.

Muling nahagip ng paningin ko ang table ni Raizer at ng isa pa nyang girlfriend, ngayon ay nakatayo na silang dalawa at mukhang paalis na. Inalalayan ni Raizer ang babae sa likuran nito at nag simula na silang mag martsa. Agad nag tama ang mga mata namin dalawa kaya mabilis kong inalis ang tingin ko sakanila. Nag patuloy ako sa pagkain at pinilit na hindi mag pakita ng kahit anong reaksyon o ekspresyon, dahil alam kong nakatingin sya ngayon sakin. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay makalagpas na sila sa table namin. Umuwi na rin kami matapos ng dinner na yon. Naligo lang ako at natulog na rin dahil maaga pa ang pasok kinabukasan.

Thursday morning!

"Ate?" Nagising ako sa lakas ng tawag ni Mich sakin. Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan sya ng masama. "6:30 am na." Nagpapanic nyang wika at nagmamadali ng lumabas ng kwarto.

Napabalikwas ako ng bangon at agad kinuha ang tuwalya ko para maligo. Kainis! Bakit hindi nila ako ginising ng mas maaga? Nagmamadali kong isinuot ang uniform ko, matapos kong maligo. Pinasadahan ko lang ng isang pasada ng suklay ang buhok ko at dumeretso narin ako sa ibaba.

"Kain na anak—"

"Hindi na ma, late na po kase ko, ih. Una na po ako— "

"Baunin mo na lang itong tinapay."

"Hindi na ma, doon na lang ako kakain sa school pagtapos ng first subject. Una na po ko."

"Okay, ingat ka."

Halos makagat ko ang labi ko, habang nasa byahe. May quiz kami ngayon sa statistics kaya hindi ako pwedeng malate, pero lintik! 5 minutes na lang start na ang klase at eto ako, naiipit pa sa traffic. Malas talaga!

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon