Kabanata 4

716 24 0
                                    

Kabanata 4
Always on you

Tulala parin ako, habang nilalakbay kong mag-isa ang bawat floor ng aming department. 1st floor para sa mga freshmen tulad ko, 2nd floor para sa mga 2nd year 3rd floor para sa mga 3rd year at 4rth floor para sa mga 4rth and 5th year students. Sa ngayon ay nilalandas ko na ang hagdanan pababa ng second floor.

"Sya yon, diba?"

Narinig kong sabi ng kung sino kaya nag angat ako nang tingin sa isang grupo na nag kukumpulan roon sa tapat ng isang classroom. Agad kong naaninaw ang nakakunot noo'ng si Raizer na U-Prince namin. So, ayon kasama rin pala sya sa mga nag kukumpulan roon. Nag sayaw ang mga mata ko ng mapansin ko ang deretsong tingin nila sakin. What the fvck! Don't tell me, ako yung topic nila?

Nataranta na ako ng ilang hakbang na lang ang layo ko sakanila kaya naman mabilis kong inilagay ang aking headphones sakin tenga at nag baba ng tingin sakanila. Napatalon ako sa gulat ng isang lalake at dalawang babae ang humarang sa daraanan ko sana. Pinilit kong hindi mag pakita ng kahit ano mang ekspresyon kahit sobrang nagugulat at nag tataka na ako sa ginawa nila, pero mas kinagulat ko talaga ang biglang pag hablot nung isang babae sa headphones na suot ko.

"Bastos ka talaga, no?" Agad syang nag taas ng isang kilay sakin.

Deretso ko syang tinignan sakanyang mga mata at malalim kong inisip kung ano kaya ang problema nya? Honestly kase, hindi ko talaga alam kung ano ba problema nila sakin.

Agad kong inilahad sa harapan nila ang palad ko. "Ibalik mo yung headphones ko." Wala parin akong ipinakitang ekspresyon.

Napangiwi yung babaeng may hawak ng headphones ko.

"Wow! Takot kami." Mahihimigan ang pagka-sarkastiko sa tono nung lalake.

Nag halakhakan silang tatlo pero natigilan rin sila ng mabilis kong bawiin yung headphones ko.

"You really something." Saad ng lalaking nasa gilid ko.

Sya yung U-Prince namin na kanina pa nanunuod sa mga eksena namin. Nag angat ako ng tingin sakanya pero pinilit ko parin hindi mag pakita ng anumang ekspresyon sakanya.

"Ano ba kelangan nyo sakin?" Pagtataray ko.

"Hindi ko talaga gusto ang mga katulad mong hindi marunong gumalang sa nakakataas sakanya."

What the hell! And who do you think you are? Asshole!

Napangiwi ako ng harapin nya ko with his devil smile. "Bilang U-Prince, siguro tama lang na bigyan ko ng lesson ang katulad mong freshmen para naman maitama natin yang masamang ugali mo. Tama ba, guys?"

"Tama lang yan, dahil hindi sya marunong gumalang sa mga seniors nya." Pag sang-ayon naman ng mga alipores nya.

Wow! As in, wow! Ako pa ngayon masama ugali? The hell.

"Narinig mo yon? Bilang senior at U-Prince mo, wala kang ibang choice kundi sumunod samin—"

Natigilan sya ng bigla ko silang talikuran.

"San ka pupunta? Kinakausap pa kita, diba?!" Tumaas ang tono nya.

Shit naman! Huminga ako ng malalim at muli silang hinarap.

"At bakit ko naman kayo kelangan sundin?" Matapang kong tanong sakanya.

"Anong sabi mo?" Kumunot ang noo nya.

"Sa pag kakaalam ko kase, hindi kita tatay para disiplinahin ako."

Isa-isang nalaglag ang panga nila sa sinabi ko. Medyo dumadami na rin ang mga estudyanteng nakikiusisa samin. Syempre dahil yon sa iniidolo nilang U-Prince!

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon