Kabanata 55

1K 30 6
                                    

Kabanata 55
Bathtub


Nagising ako kinabukasan ng maramdaman ko ang pag haplos ni Raizer sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Agad kong naaninaw ang magandang ngiti ng boyfriend ko.


"Good morning, honey" malambing nyang sabi na agad akong hinalikan sa noo

"Good morning" sagot ko sakanya "kanina ka pa gising?"

"Yup" niyakap nya ko "Ang sarap mong panoorin matulog"


Uminit ng husto ang pisngi ko.


"B-Baka nag luluto na ng breakfast si aunte. Tutulungan ko lang sya"


At tulad ng inaasahan ay nadatnan nga namin si Aunte na nag luluto nang almusal kaya nag presinta na akong tulungan sya.


"Hindi ba dadalaw kayo ngayon sa dating mong eskwelahan iha?" Tanong ni aunte nang mag simula na kaming mag breakfast


Pritong itlog, hotdog, tuyo, saba at nilagang talbos ng kamote ang ulam namin. Ang sarap!


"Opo aunte. Mga 10 am ho kami mag pupunta ni Raizer para mailibot ko rin po sya"


Alam kong nakapunta na sya noon sa eskwelahan namin pero sigurado akong hindi pa naman nya iyon gano nalibot.


"mabuti yan para makita naman nya yung eskwelahang pinasukan mo dati"

"opo"

Matapos kumain ay nag hugas narin ako ng mga pinggan, habang si Raizer ay nag simula na sa pag ligo. Matapos nyang maligo ay ako naman itong sumunod sakanya.

Simple white blouse ang isinuot ko na itinak-in ko pa sa high waist pants ko, saka ko ipinusod lahat ng buhok ko.

"Matagal ka pa?" Tanong ni Raizer, habang nakaupo sya sa kama at ako ay busy sa pag spray ng perfume sa katawan ko

Mariin ko syang tinapunan ng tingin. White printed shirt lang ang suot nya and black rip jeans, pero bakit ang lakas-lakas parin ng dating nya? Damn it!


"Wag mong subukan mang akit ng mga babae roon, babatukan talaga kita!" Bilin ko sakanya

Kuminang ang mapuputi nyang ngipin dahil sa laki ng ngisi nya.

"Ang hirap naman yata ng gusto mo, honey. Alam mo naman na kahit wala akong gawin ay madaming babaeng naaakit sa kagwapuhan ko"

Napangiwi ako. Alam kong nag yayabang sya, pero hindi ko rin maitatanggi sa sarili ko na totoo yung mga sinasabi nya, dahil matagal ko na iyon napatunayan. Kung doon nga sa CSU na puno ng mga gwapong U-Prince Ambassador ay pinag kakaguluhan parin sya pano pa kaya rito sa La Union? Shit! Kelangan ko syang bakuran, lalo sa mga kaibigan ko.

Gamit ang kotse nya ay nag tungo kami sa La Union State University.

"Oh my gad! Sino kaya yung guy ang gwapo"

"Oo nga. Sino kaya sya? Dito kaya sya nag aaral? Parang ngayon ko lang sya nakita"

"baka mag ta-transfer pa lang sya dito? Ano kayang course nya?"

"sana Tourism tulad natin"

"oo nga napaka gwapo. I'm sure pag kakaguluhan sya dito"

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon